Chapter 11

8.4K 134 3
                                    

Chapter 11


Napahawak ako sa mga rosas at napabuntong hininga na lang ako sa aking naalala. Nasa likoran ako ng simbahan kung saan may mini-garden. Pagabi na at hindi ko pa din naisipang umuwi. Iniwan ko ang cellphone ko sa aking kwarto at hindi ko alam kung ano na ang nangyari doon. Galit na galit na kaya siya sa akin dahil hindi ako pumasok?

"We've been looking for you Jullian." Binalingan ko ang pinanggalingan ng boses at may apat na lalaking biglang sumulpot sa aking harapan. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang mga mukha niya. Pareho silang nakasimangot at mukhang pagod. Ramdam ko ang paninigas ng aking katawan. Why are they here?

"Nilibot namin ang buong Cagayan de Oro sa kahahanap sa iyo. Pagod na pagod na kami at naisturbo pa ang mga trabaho namin. Hindi na kami nag-hire na mga pulisya dahil baka mauwi lang ang lahat sa eskandalo. Umuwi ka na." napakunot-noo ako sa sinabi ng lalaking may pinakaseryosong mukha sa kanilang apat na si Red. Kita ko nga ang pagod sa kanyang mukha.

"B-bakit?" nauutal kong tanong at bahagya akong napaatras. Napalunok din ako.

"Lahat nang nawawala, hinahanap Jullian. Tanungin mo na lang ang asawa mo at bakit niya kami halos patayin na para lang mahanap ka!" Nanlaki ang  mga mata ko sa sinabi ni Jake. What he said was like magic. Unbelievable. Impossibleng hanapin ako ni Mike! Knowing him? Hmm! He must be savoring his precious time savoring his girls whenever I'm not around!

"Kailangan mo nang umuwi Jullian. Nagwawala na si Mike sa bahay niyo." Singit ng pinsan ni Mike na si Meil. Another impossible!

"Or you can run away with me if you don't love Mike anymore." ani John na siyang sumira sa pagkailang ko sa kanyang mga kaibigan. Napangiti na lang ako sa naging expression ni John sa kanyang mukha. 

"John, you are not helping! Pwede ba?"

"Ang seryoso niyo kasi. Hindi ako sanay." I saw them glared at John while he is just in his playful self.

"Ayan ka na naman!"

"Sorry! Sorry na. Jullian, uwi na tayo. Ako na ang magmamaneho sa sasakyan mo, sa sasakyan ka na ni Red sumakay. Mike already reached his critical level and you need to go home." Ani John na nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung seryoso ba ang sinabi niya o nagbibiro lang siya. Ang mukha niya ay nakakaduda.

Biglang kinuha ni Red ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng simbahan. Nanatili akong gulat sa ginawa niyang pagkaladkad sa akin at hindi man lang ako maka-react. Maingat niya akong ipinasok sa kanyang Ford ranger.

Napatingin ako sa rear-mirror at nakita kong nakasunod sa amin ang sasakyan kong minaneho ni John. Nakita ko din sa loob nito sina Meil at Jake.

Ilang beses akong napabuntong-hininga sa tabi ni Red. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang unti-unti kong nakikita ang building ng aming condominium. Namamawis na aking mga palad. Hindi ko kayang maniwala sa sinabi nilang pinahanap ako ni Mike. Napakaimposible lang kasi.

**

"Jullian, nag-alala siya sa iyo nang sobra." 

Paulit-ulit. Hindi siya maalis sa isipan ko. Iyan ang sinabi sa akin ni Red bago ako bumaba sa sasakyan niya. Parang hindi ko kayang tanggapin ang narinig ko mula kay Red. To think of it, para na lang akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at sobrang dilim na parang walang tao sa loob ng condo. May nakita akong mga basag na bote sa aming sahig. Kinabahan ako kaagad. Nagwawala ba siya dito? Dahil sa kaba, dumiretso na lang akong kwarto ko at huminga. Binuksan ko ang ilaw at kasabay nang pagliwanag sa aking silid ay siya namang ikinatalon ng aking puso.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" gusto ko siyang patayin dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Namamaga ang kanyang mata at may dugo sa kanyang pisnge.

Bumilis ang tibok ng puso ko. He is still wearing his three piece suit.

"Bakit hindi ka sumasagot, Jullian? Wala ka na bang bibig?" he is drunk! Naamoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sa kanyang hininga nang makalapit siya sa akin.

"Saan ka galing?" sabi niya ulit at dahan-dahan niyang hinawakan ang beywang ko. Napalunok ako. Nanigas ako sa aking tinayuan at nawalan ako ng lakas na tumakbo palayo sa kanya.

Lumapit ang mukha niya sa aking mukha at bigla na lang niyang kinagat ang labi ko at  natikman ko agad ang dugo nito. Nasampal ko siya ng wala sa oras nang matauhan ako ulit sa ginawa niya. Napalayo siya sa akin at napahawak na lang ako sa aking labi.

Naiiyak ako sa sakit. "Walang hiya ka Mike. Sinasaktan mo na ako!" bumuhos na lang luha ko sa aking mukha habang linapitan ko siya at sinasapak. Hindi siya gumalaw o nanlaban at hinayaan niya lang akong saktan siya.

"Hayop ka, Mike!" tumigil ako at bahagyang lumayo sa kanya. Pinunasan ko agad ang mga luha sa mukha ko gamit ang aking kamay.

Napatigil na lang akong bigla siyang lumuhod at niyakap ako sa aking beywang. "Sorry, hindi ko sinadya." Napaiyak ulit ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang saktan ulit! Nanggigigil kong hinawakan ang ulo niya at buong lakas ko siyang itinulak papalayo sa akin. Napaupo siya sa sahig. Tinapunan ko na lang siya nang tinging nandidiri at umalis sa kanyang harapan.

Dumiretso ako sa kabilang guest room at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi ko alam ang kadramahan niya at bakit nadadala ako. Hindi dapat siya gumaganito.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi tumitigil ang mga luha ko sa pag-agos at buong gabi siyang hindi naalis sa isipan ko. Napahawak ulit ako sa aking labi at may dugo pa din. Gago niya. Sumusobra na siya!

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon