Isinara na ni Julie ang malaking gate ng bahay niya at sinimulan ang tahakin ang daan patungo sa loob nito nang makarinig siya ng kalampag sa gate.
Lumingon siya rito at nakita si Elmo na tila isang presong nakahawak sa bakal na gate.
"Elmo? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya rito at saka nilapitan.
"I just feel like seeing you." Bulgar nitong sambit. Medyo napatawa ng kaunti si Julie ngunit nagseryoso rin nang makitang seryoso rin ang binata.
Binuksan niya na ang gate at pinapasok si Elmo. Inaya niya ito sa garden nila at doon sila nag-usap.
"Buti at napadalaw ka—"
"I don't know how you're doing that but please stop it."
Napatitig si Julie kay Elmo nang marinig iyon.
"Ano—? Anong ginagawa ko sa iyo?" Inosente niyang tanong.
"I think I like you, Julie!" At saka napahilamos ng palad sa mukha. "I like you so much. Palagi kang sumisingit sa utak ko at nagiging abnormal ang puso ko!"
Napanganga si Julie sa naririnig. "What the hell are you saying—"
"I find it ridiculous because we just met and fuck that 'Love at first sight' because it's not damn true! But what I find more ridiculous is I think I've already know you for a long time!"
Sandaling napatitig si Julie sa lalaki. Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dito. Saka lang niya natantong naka-inom ito.
"Alam mo, Elmo, you're drunk—"
"I'm not—"
"You are. Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?"
At totoo nga ang sinabi ni Julie, lasing nga si Elmo dahil nang ipasok niya ito sa kotse niya ay agad itong nakatulog sa passenger's seat. Hindi na ito nakasagot kaya inisip nalang na baka sa bahay rin ng magulang ni Maqui ito nakatira. Alam niya ang lugar na 'yon dahil may ilang beses na rin siyang nakapunta doon.
Nagpatulong si Julie sa guard ng bahay na ipasok si Elmo sa bahay at 'yon nga ang ginawa ng guard. Katulong lang ang nadatnan niya at napag-alamang may business meeting na pinuntahan ang magulang ni Elmo.
Si Julie na rin ang nagpresintang mag-akyat kay Elmo dahil pansin niyang may katandaan na ang katulong at mahihirapan na itong alalayan si Elmo dahil sa bigat nito. Hindi na rin naman niyang matawag muli ang guard dahil kahit tulog si Elmo ay mahigpit ang kapit nito sa braso niya.
Pabagsak na inihiga ni Julie si Elmo sa kama nito at sinimulang tanggalin ang suot nitong sapatos. Matapos ay hinubad rin niya ang suot nitong t-shirt at pinalitan ito ng bago. Nagpasalamat nalang si Julie dahil hindi niya nagawang maging maasiwa sa binata.
Nang sigurado siyang ayos na ang lagay ng binata ay binalak na nitong iwan doon ngunit hinablot ni Elmo ang kamay niya.
"Julie..." Sambit ni Elmo at nagmulat ng mata. Nagtama ang kanilang tingin.
"Elmo..." Sambit rin ni Julie.
Hindi alam ni Julie kung paano nangyari pero nahanap nalang niya ang sariling labi na nakalapat sa labi ni Elmo. Pamilyar ang halik nito maging ang hawak sa katawan niya. Nakapikit lang si Julie habang dinadama ang kamay ni Elmo na humahaplos-haplos sa likuran niya.
"Julie, tell me to stop and I will." Seryosong sabi sa kaniya ni Elmo at tila nawala na ang alak sa sistema nito.
Nagmulat siya ng mata at nakitang nasa itaas niya si Elmo. Hinaplos niya ang pisngi nito at saka kinuha ang kamay ng binata at pinagsiklop ito.
BINABASA MO ANG
Rough Skies (JuliElmo)
Fanfic"I have ruined a life. I know she's out there somewhere, her face is screaming innocence yet still holding herself culpable for everything..."