Speak Then Die

464 13 2
                                    

Sumilip na ang haring araw sa kalangitan. Pati ang mga huni ng ibon ay naririnig na hudyat na mataas na ang sikat ng araw. Pagpatak ng alas-siyete ng umaga, ang mga mag-aaral ng Johnson Academy ay isinagawa na ang kanilang palagiang seremonya tuwing magsisimula ang klase. Ang sabay-sabay na pag-awit ng Lupang Hinirang at ang pagbigkas ng Panatang Makabayan.

Sa dulo ng pila ng Grade 6-A ay mapapansin ang isang mag-aaral na nakayuko na tila ba nagtatago sa lahat.

"Hoy Joseph! Tumabi ka nga! Ako nakapweso d'yan! Tabe!" Itinulak ng isang matabang lalaki ang payat na katawan ni Joseph dahilan upang mapaupo ito sa lupa. Late kasi ang matabang iyon at upang hindi mahalata ng kanilang guro ay sumingit siya sa unahan ng kawawang bata. Ngunit dahil sa lakas ng pagkakatulak niya ay napa-aray si Joseph dahilan upang mapalingon ang iba. Sa halip na tulungan ito ay tinawanan lamang siya ng kaniyang mga kaklase, binigyan pa ng mapang-asar na tingin at pag-iling-iling dahilan upang mapakagat ng labi ang bata. Yumuko na lamang ito sa kahihiyan.

"Hoy Joseph! Bakla ka ba? Tumayo ka nga d'yan! Parang hindi ka lalaki ah!" Sigaw ng isang babae at tinulungan siyang tumayo.

"Pambihira naman 'tong si Geraldine! Huwag mo ngang tulungan ang baklang 'yan! Dapat hindi 'yan pinapansin!" Pang-aasar pang sabi ni Andrew, ang matabang lalaking tumulak kay Joseph kanina.

"Loko! Anong Geraldine? Wala kang respetong baboy ka! Binabastos mo talaga ako no? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na Gerald lang ang pangalan ko! Sapakin kita, e!"

Akmang sasapakin nga ni Geraldine si Andrew ngunit inawat na siya ni Joseph. Hindi naman maitatangging gustong maging kaibigan ni Geraldine si Joseph ngunit talagang ang batang lalaki ay mailap sa mga tao.

Nang matapos ang flag ceremony, isa-isa nang bumalik ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Samantalang si Joseph ay nahuhuling naglalakad at ni isang beses ay hindi inangat ang ulo.

"Hoy Joseph, para kang sira. Nasa bunbunan ba ang mga mata mo? Bakit ka ba laging nakayuko?"

Tanong ni Geraldine at tumigil ito sa paglalakad sa harap ni Joseph dahilan upang madanggi ng lalaki ang dibdib niya. "Ah pucha, bastos mo!"

Napaangat ng ulo si Joseph nang mapagtanto ang nagawa niya. "Hala, s-sorry." Tiningnan lang nang masama ng babae ang lalaki.

"Buti na lang hindi ka nauntog, pader 'to eh. Hahaha! Tara na nga!" Inakbayan ni Geraldine si Joseph hanggang sa makapasok sila sa classroom. Nasa dulo ng kwarto ang upuan nila kaya bago sila makaupo napasadahan muna sila ng tingin ng kanilang mga kaklase.

"Good morning class!" Bati ng guro sa kaniyang mag-aaral.

"Good morning Sir Mark Anthony!" Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at binati ang kanilang guro bago sila muling umupo.

"Okay class, sino na ang reporter ngayon? Anong group ang natapos kahapon?" Tanong ng guro bago nilapag ang kaniyang lesson plan at umupo sa kaniyang desk.

"Group 7 na po ang reporter ngayon, Sir." Sabi ng presidente ng classroom officer.

"Tapos na kami uy! Group 8 na!" Sambit ni Andrew.

"Di pa kaya kayo tapos!"

"Tapos na kami! Kayo na! Group 8!" Paulit-ulit lang na nagtatalo ang dalawa hanggang sa matulili ang guro.

"Teka nga muna! Sino ba talaga ang reporter ngayon?" Sigaw ng guro.

"Actually Sir, tapos na rin kami. Group 9 na po." Pagtatama ng babaeng presidente. Nagtawanan naman ang klase dahil sa kalokohang ginawa ng kanilang presidente. Bakas man ang inis sa mukha ng guro ay hinabaan niya ang kaniyang pasensya. "Sino ba ang Group 9?"

Speak then DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon