A/N: Hi po sa lahat ng readers, ako nga po pala si Raina. Reader din po ako tulad nyo, naisipan ko lang na ako naman ang gumawa ng kwento. Sana magustuhan nyo. Dinededicate ko to sa lahat ng studyante. At dahil pasukan na, mas lalo kong dinededicate to sa mga Freshmen :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Oh anak, Highschool ka na, iba na ang buhay mo ngayon kaysa elementary ha?" sabi ni mommy;
"Opo ma, alam ko naman po yun." Sagot ko sa kanya, pero ang totoo, kinakabahan talaga ako sa first day ng school. Una kong naisip, sino kaya mga magiging bago kong kaklase, sino kaya magiging teacher ko? Mabait kaya sila? Terror kaya mga teacher dun? ah basta, kinakabahan ako. Goodluck nalang sakin >.<
Ako nga pala si Anna Marie, simple lang akong babae, hindi palaayos, basta simple. At heto kabang kaba sa first day ng school. Bukas naaaaaa... eeeeee... >.<
*Krrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnngggg (alarm clock)
"Urgh! inaantok pa ko... oo nga pala, papasok na ko, pasukan na. Juskoooo... bahala na nga." Sabay bangon ko na nga at dumiretso sa lababo para maghilamos.
"Oh anak, kumain ka na, at pagkatapos mong kumain, maligo ka na at mag ayos. Ok na ba yung mga gamit mo?" sabi ng mommy ko.
"Opo ma, ok na po." sagot ko naman, at ako'y kumain na, naligo, nagbihis, at umalis na papuntang school.
Nasa tricycle palang ako, sobrang kabado na ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin sa buong 1st year hanggang 4th year.... bahala na talaga si batman >.< at nung pagpasok ko sa gate ng school, sobrang daming tao, andaming bagong mukha, at biglang naisip ko na sino kaya ang magiging kauna unahan kong kaibigan dito. Sana naman meron nga akong maging kaibigan dito. At pumunta na ako sa 4th floor ng school, grabe, kahingal ang pag-akyat huh? daming hagdan. Sa 4th floor kasi ang lahat ng First year, at tatawagin isa isa kung saan ka nabibilang na section. Kahit saan ako mapatingin, wala akong kakilala. Nuh be yeeenn! Hannggang sa natawag na ang pangalan ko sa section na 1-Flourite.
"Anna Marie Exconde!" sabi ng teacher
"tsk.Goodluck sakin." sabay pumunta sa stage para makasama ko ang mga new classmate ko.
after nang mahaba habang tawagan na yun, pumunta na kami sa home room namin...
"Ok class, goodmorning sa inyo, ako nga pala si Mrs. Gonzales at ako ang magiging adviser nyo for the whole school year." sabi ng adviser ko, DAW? hehe. Sana hindi sya terror >.<
"Hi! Anong name mo?" tanong nung katabi ko. Nakapag seating arrangement na agad kasi kami eh.
"Ahhh.. ako nga pala si Anna. Ikaw?"
"Ako naman si Katherine. :)"
Infairness mabait naman yung first Cheat mate ko, este seat mate pala hehe. At nagkakwentuhan pa kami nang kung ano ano...