Ang buhay ay napakaunfair talaga, minsan nasa taas at minsan nasa baba.
Ang pamilya ko'y masiyahin, matulungin at mapagmahal sa isa't isa. Si tatay, si nanay, si ate at si kuya.
Di ko inaasahang magiging ganito ang estado ng buhay ko.
Bata pa lamang ako nung ang government namin dito sa Grii ay biglaang nagbago, napagusapan nila na ihiwalay ang mga babae sa mga lalake upang maiwasan daw ang sex-drives.
Sa simula'y nagtago kami kung saan saan upang di mawalay sa isa't isa. Sa cave, sa bundok, sa isang isla, ginagawa namin ang lahat lahat, naghahanap kami ng makakain upang mabuhay lamang ngunit humanto kami sa panahong wala na talaga kaming mahanap na makain.
Isang umaga, si kuya, bigla siyang nahimatay sa daan. Lahat kami nagpanic, di namin alam kung anong gagawin. Iniwan nila ako upang paypayan si kuya habang sila'y naghahap ng makakain para kay kuya.
Pagkalipas ng 20 minutes, maririnig mo na sa malayo si tatay na sumisigaw ng "Pagkain!". Pagkadating niya sa pinaroroonan namin ni kuya ay nakita niya akong nakangiting umiiyak, hindi dahil sa dala dala niyang mga pagkain kundi dahil si kuya'y nakahandusay at di na humihinga. Makikita mo pa yung mga luha niya sa kanyang mga matang nakabukas, naghihintay sa pagdating nila ate at nanay. Bago namatay si kuya, ako lang ang kasama niya at may mga sinabi siya sa akin "Survive for me, brother. I love you, soon makakasama ko na sina lolo't lola". Kahit na hirap siyang huminga, pinilit niyang habulin yung hininga niya masabi lang sa akin. Napaiyak kong sinabi sa kanya "kuya wag kang ganyan, may lechon na mamaya". Nakangiti siyang naputulan ng hininga.
Umiyak ng umiyak si tatay. Itinaas niya yung labi ni kuya at niyakap. Mapapasabay ka sa iyak ni itay. Napagpasyahan ni itay na matulog muna sa tabi ni kuya habang hinihintay ang pagbalik nila ate at inay.
Gumagabi na wala pa rin sila at gising na din si itay. Napagpasyahan namin na ibaon na namin sa lupa ang mga labi ni kuya. Sabi ni tatay habang nagbubungkal ng lupa "we should be brave for him nak".
Nangangamba na kami at bakit wala pa din sila, baka naaksidente na sila. Natulog na lang kami ni itay. Kinabukasan, may mga sundalong nakapalibot na sa paligid namin. Sinubukan naming tumakbo pero wala kaming takas. Simula noon ay di na namin nakita sila ate at inay
Nakasakay kami sa isang cargo ship. Pagkalipas ng tatlong taon na pagtatago, nahanap din nila kami ni itay. Di pa rin namin alam kung anong nangyari na kila ate at inay.
Ang aming bansa na pala'y hinati na sa dalawa, may walls na naghihiwalay sa mga to. Pagkadating namin sa Men's Village, wala ka talagang makikita na babae. May mga macho, payat, mataba, pandak, matangkad at bakla.
May sarili kaming bahay na binigay, bawat isa sa amin. Iba sa akin at kay itay pero ito'y maliit lamang, parang isang kwarto kung tutuusin.
Napakaraming bawal at tradition na nila dito na dapat sundin. Isa sa pinagusto kong ginagawa nila ay sa tuwing gabi, may bonfire na ginagawa habang nagsasalusaluhan sa pagkain at kantahan. Ang pinakaayaw ko naman ay yung sex session (SS) pagkatapos nilang maglasingan na kung saan malalaswa ang kanilang mga ginagawa, lalake to lalake, alam niyo na yun.
Ganito na sila kadesperate na maging active sa kanilang sex life. Di ko nga kayang tignan yung mga pinaggagawa nila sa isa't isa. Masuka suka na ako sa kinauupuan ko pero di rin pwede na magsuka dahil gagawin ka nilang biktima. Meron naman yung mga bakla na nagsusuka sukahan. Ang baboy tignan, I can't take it.
Kaya tuwing gabi ay di ako masyadong makatulog kakaisip sa mga nangyari. Meron nung minsan nagkakaroon ako ng sex urges, yung feeling na kahit na lalake na yan pero pinipigilan ko talaga. Palaging si Kamay na lang ang karamay ko, nakakasawa din kasi.
Tumagal tagal din ang panahon ay nasasanay na din naman ako, pero di pa ako nakisali sa kanilang SS.
Ngayon pa lang..
Dito ko nakilala si Terry Palwat.
BINABASA MO ANG
The Yellow Moon
AdventureKaramihan sa stories ay may red moon, blue moon, dark at bright moon. Ano bang meron sa yellow moon?