***knock knock***
"Pasok.."- matamlay na pagkakasabi ko habang tumitingin sa kisame. Masakit ang buong sistema ko. Masakit igalaw ang katawan ko at mas masakit ang puso ko...
"Arli..."- rinig kong sabi niya. Ayan na naman. Yang boses na yan. Yang boses na nagpahulog sa akin. At ang boses na nagbigay ng kirot at sakit sa puso ko.
Lumingon ako sa direksyon niya. Napatutok ako sa tsokolate niyang mata. Kahit na nag-iba na siya, sinaktan man niya ako, alam ko sa sarili ko na...
...mahal ko pa rin siya.
"Ba't nandito ka?" - hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses ko. Nakita ko ang sari-saring emosyon sa mata niya.
Kalungkutan.
Pangungulila.
Pagmamahal.
Pero binalewala ko ang lahat. Dahil ayoko na, kailangan kong ingatan ang puso ko. Kailangan kong itaguyod muli ang sarili ko. Uunahin ko muna ang sarili ko.
"Alam kong ayaw mo na talaga akong makita ngayon. Alam kong malaki ang kasalan ko sayo. Pero gusto sana kitang ilabas dito, Arli. I want you to see the beauty of the stars again outside these white walls....." - titig na titig niyang sabi sa akin.
Hindi ko man lang naisip na , even if I'm surrounded with white walls, hinding - hindi mapapagod sa pagkinang ang mga bituin sa labas. Na kahit gaano na kalungkot ang buhay, ay may maganda pa ring mangyayare sa 'yo..
....pero mangyayare ba ito sa akin?
BINABASA MO ANG
The Stars Outside These Walls
Random"Even if I'm surrounded with white walls, the stars will still shine outside..." - Elyxa