“I’m sorry its over….”
“Ha? Ano? Teka babe di kita maintindi-“
“BREAK NA TAYO. Ayan sinabi ko na. Siguro naman naiintindihan mo na? “
“Bakit?! Ano bang pinagsasasabi mo diba okay naman tayo Keira? Ano ban-“
“Wala ka nang pakialam dun. Basta break na tayo. Ayoko na.”
Di ko maintindihan kung bakit nya ako iniwan.
Di ko alam kung bakit.
Dahil sa pagkakatanda ko, Masaya kami.
Sobrang saya naming. Yung tipong kuntento na kami sa isa’t isa.
Kumbaga, Parang sa mga fairytales, Yun yung scene na nakita na ng prince charming ang kanyang princess.
Ang gusto nyang makasama habang buhay.
Yung gusto nyang maging Ina ng mga anak nya.
At yung taong gusto nyang makasama tumanda.
Kaso isang araw nangyari ang hindi ko inaasahan.
Isang pangyayari na babago sa buhay ko.
Sa buong pagkatao ko.
Hindi ko alam na ganto pala yun. Yung pag nasaktan ka ng sobrang sobra, Pati pagkatao mo magbabago.
Pati yung pananaw mo at pakikitungo mo sa ibang tao.
Ilang taon na ang lumipas.
At dumating na ang panahon na pinakahihintay ko.
Ang pagbabalik nya.
Sabi nga nila…
“ Love is sweeter the second time around”
I’m Thomas Kaiden Cruz.
And I’ll be rewriting our love story, my love Annabelle Keira Dy.