6:00 AM
Magandang Umaga!
Napakaganda talaga ng iyong mukha.
Hindi ka nakakasawang masdan.
Sa umaga at sa lahat ng pagkakataon na pwede kitang makita.
Pero bakit wala ka yata ngayong sigla?
8:00 AM
Kumakain ka kasama ang iyong pamilya.
Masaya sila at magana.
Ikaw?
Nakangiti ka nga pero wala namang kislap ang mga mata?
Meron ka bang problema?
9:00 AM
Nasa biyahe na tayo pero wala ka pa ding imik.
Wala pa din akong makitang saya sayo.
Dati excited ka pumasok ng school.
Ngayon nakatingin ka lang sa malayo, Malalim ang iniisip.
May gumugulo ba sa utak mo?
9:30 AM
Atubili kang bumaba ng sasakyan.
Hindi mo maihakbang ang mga paa mo.
Inabutan ka tuloy ng ulan.
Malabo ka na kaya hindi ko na masyadong makita.
Umiiyak ka ba?
12:00 PM
Kasama ang barkada na pumasok kayo ng restroom.
Nakangiti at tumatawa ka sa mga jokes nila.
Ngayon ko lang yan ulit nakita simula nung gumising ka.
Akala ko masaya ka na.
Mali ako. Hindi pala.
Dahil pagtingin mo sa akin andun na naman yung malungkot mong mata.
Paano ko ba maibabalik ang iyong saya?
5:00 PM
Tapos na ang klase. Umuulan pa din sa labas at medyo bumabaha na.
Inaantay mo ang sundo mo ng huminto sila
Pinilit mong pasayahin ang iyong mukha kahit alam kong naiiyak ka na.
"Hi Bez! Girlfriend ko nga pala si Aya."
Alam kong nagpapanggap kang masaya sa harap niya.
Alam ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka.
5:20 PM
Pinakamatagal ng bente minuto ng buhay mo.
Inaya ka nilang magmerienda pero tumanggi ka na.
Alam ko kung bakit. Kasi hindi mo na kaya.
Nagpaalam na sila pagdating ng sundo mo.
Bago sila makalayo nakita ko nang pumatak ang luha mo.
8:00 PM
Gabi na at oras na para matulog.
Hindi ka na kumain at hindi ka rin dalawin ng antok.
Nakatitig ka lang sa akin habang tahimik na umiiyak.
" Matagal ko na siyang mahal. Bakit hindi niya ako natutunang mahalin?" bulong mo.
Alam mo ba kung gaano kita gustong yakapin?
12:00 PM
Natapos ka din sa pag-iyak.
Mugto na ang iyong mata.
Gaano ka pa katagal na magiging ganyan?
Alam mo ba? Na nakita ko lahat?
Alam ko kapag masaya ka.
Alam ko kapag malungkot ka.
Alam ko kapag naguguluhan ka.
Alam ko na ginawa mo lahat para mahalin niya.
At alam ko na ngayon na sobrang nasasaktan ka.
Pero alam ko din na kaya mo ito.
Andito lang ako.
Patuloy na kasama mo.
Magmamasid sayo.
Magaantay na muling bumalik ang babaeng nakita ko.
Patawad kung hanggang tingin lang ako.
Gusto kitang tulungan pero.....
REPLEKSIYON MO LANG AKO. =(
<3 <3 <3 =D
Para sa mga chikachicks ko to. Pasensya na Einna kung kay annie lang nadedicate. Isa lang eh. Yung next sayo na. Hehe..