3RD PERSON'S POV:
UNTI unting lumayo ang loob ni Vannie kay Lauren. Patuloy pa rin ang pagkikita nila Vannie at Gian at patuloy pa rin ang kanilang relasyon sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya.
Pero hindi naging madali ang relasyon ng dalawa dahil bukod sa mga magulang ni Vannie ay may isa pang sumasabutahe ng relasyon nila, walang iba kung hindi si Christine.
Three more months passed,
"Gian, I need to have a word with you." Sabi ni Christine ng makitang aalis si Gian. Tumingin ang binata saka lumapit kay Christine.
"Gian, may kailangan kang malaman."
"Anong ibig mong sabihin ma?" Hinawakan ni Christine ang kamay ni Gian saka hinaplos ang mukha ng anak.
"Layuan mo si Vannie." Nanlaki ang mata ni Gian saka napabitaw sa pagkakahawak ng ina.
"Ma, pati ba naman ikaw tututol? Ma, wag mo namang gawin sa akin to. Alam mong mahal na mahal ko si Vannie."
"Alam mo kung bakit tayo naging miserable? Dahil sa nanay ni Vannie. Dahil sakanya. Dahil siya ang umaagaw sa papa mo. Ayokong pati ikaw agawin ng anak niya." Lumapit si Christine kay Gian. Humarap ang binata sakanya saka niya muling hinaplos ang magkabilang pisngi ni Gian.
"Ma, totoo ba to?" Tumango si Christine habang kunwari ay naiiyak.
"Ayokong gawin to Gian, pero kapag pinagpatuloy niyo pa 'tong relasyon nyo, mapapalapit ang papa mo kay Lauren, aagawin niya ulit ang papa mo Gian, mawawala nanaman siya sa atin, Gian.." Niyakap ni Gian si Christine ng umiyak ito. Nagtatalo ang isip ni Gian kung ano ang gagawin niya, mahal niya si Vannie pero ayaw na niyang masaktan pa ulit ang mama niya.
-
[Vannie's POV]
It's been four fucking weeks na hindi nagpaparamdam si Gian.
"My god, Gian. Pick up the damn phone.." I almost threw my phone away. Nakaka'39 calls na ako kay Gian pero kahit isa wala pa siyang sinasagot. I am so worried. Hindi niya ugaling di man lang magleave ng message kung ano na bang nangyayari sakanya.
"Vannie!" Napalingon ako at nakita ko si Sunshine at Clover na tinatawag ako. Sila yung naging kaibigan ko, siguro dapat sakanila muna ako magpalipas oras.
"What's with the long face?" Napasuklay ako sa buhok ko saka nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan.
"Hey, hush down." Pinunasan ko ang mga mata ko saka ngumiti sakanila.
"Si Gian kasi, four weeks ng di nagpaparamdam sa akin. Hindi ko nga alam kung nasaan siya." Napansin kong nagkatinginan si Sunshine at Clover. Tinaasan ko sila ng kilay.
Hinawakan ni Sunshine ang kamay ko. "Vannie, wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?"
"Ano ba yun?"
"Vannie kasi.." Napabitaw ako kay Sunshine ng mahagip ng paningin ko si Gian na naglalakad sa corridor. Tumayo ako kaagad saka kinuha ang bag ko.
"Vannie, sandali lang!"
"I just need to settle things up." I started following Gian, tinitingnan ko kung saan siya pupunta but he ended up entering the gym.
Dahan dahan akong lumapit para maramdaman ko kung ano ba ang nangyayari sa loob.
Naririnig ko ang tawa ng isang babae. I felt an aching in my chest. Napahawak ako dito. I can feel tears rolling down my cheek, I tried getting a hold of myself but in the end, I started crying.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?