Hi Mhy! This is for you, thank you for support and for reading my kabaliwan! (But Ssshh lang about this huh!) Hahah! Mizyah! ^.^v
XVII. FOR THE FIRST TIME
It's just another Sunday... but this is the FIRST SUNDAY na magsisimba ako....
with SAKRIS!
OMG!!!!!! Is this for real? I mean.. this is really happening?? As in for the first time.. magkasama kaming magsisimba?? Thinking that way makes me.. >///< kayaaaaaah! Nakakahiya pero kinikilig talaga ako lalo na pag iniimagine ko na magkikita kami mamaya tapos, tapos... ngingitian n'ya ko don sa harapan! *.*
Di ko na sinabi kay Enzo na madalas akong magsimba ng linggo, hindi din naman siya nagtanong nong meet-up namin last time, feeling ko nga.. pamilyar na talaga ako sa kanya dati pa, sa tagal kong nagsisimba, imposible namang ni minsan o kahit isang beses di nya ko nakita, eh inirapan nya pa nga ko dati di ba? Hahah!
After that day.. na nagkita kami, wala naman talagang nagbago sa amin dalawa.. especially to him. Akala ko noon once na magkaharap na kami.. once na makilala nya na ako, madaming changes na mangyayari pero ewan ko ba.. normal pa din ang lahat, magkatext pa din kami palagi, asaran, kulitan, batuhan ng pick up lines, at kwentuhang walang katapusan pa din ang ginagawa namin at pag di kami parehong busy, tinatawagan nya ko, tinatawag ko din naman siya minsan, kaso nikacancel ng mokong! Tapos, siya ang natawag saken, para daw di masayang ang load ko! Baliw din talaga tong si Enzo, minsan eh, no! He's always crazy and weird! Sa tingin nya ba sa ginagawa nyang pagkacancel ng calls ko, di nasasayang ang load nya? At ang tagal pa naman namin minsan magusap non, baka mamulubi na siya sa load, pero sa bagay.. mayaman naman sila! Hahah!
But still.. ayoko pa din na super gastos nya sa load, nagaaral pa siya at naasa pa din sa allowance na binibigay ng parents nya. Isa pa, hindi naman 'kami' para pag aksayahan nya ng load at kahit maging 'kami', I don't really allow him to waste his money for the load! AYOKO! Period.
"Julien!"
I was back to my sense nong marinig ko ang pagsigaw este magtawag ng Nanay ko mula sa ibaba ng bahay namin. Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip siya sa ibaba ng hagdan para magkarinigan kami ng maayos.
"Po?" sagot ko.
"Magsisimba ka ba?" tanong ni Mama sa'ken na tiningala din ako. Na sa mesa siya habang nag gagayat ng gulay para sa hapunan namin mamaya.
"O-Opo Ma, bakit po? Magsisimba ka din ba... ulit?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Nagsimba na si Mama kaninang umaga.. baka iniisip n'yang samahan ako dahil ako lang magisa? OMO! Pag nagkataon.. mauudlot yung 'FOR THE FIRST TIME' ko!!
Nyeak! Julien! Ilusyunada kana naman! Anong mauudlot? Anong magkakasamang magsimba? Nakalimutan mo na bang SAKRISTAN si Enzo?? Syempre, magseserve yon! At don siya sa harapan ng altar uupo! Kaya wag kang assumera dyan! Mag isa ka lang magsisimba! my mind said.
Napasimangot ako. Sabi ko nga. -_-
"Hindi, nakapag simba na ako kanina. Ikaw? Ano bang balak mo? Magsisimba ka ba o ano?" tanong ulit ni Mama.
"Magsisimba po ako Ma.." sagot ko. Parang naglaho lahat ng nararamdaman kong kaba at pagkaexcite knowing na.. ako lang pala talaga magisang magsisimba ngayon. Nasanay kasi akong may kasama palagi.
"Oh, eh bat nandito ka pa? Jusmeng bata na to! Anong petsa na! Magsisimba ka ba talaga? Mag alas sais na kaya kung magsisimba ka eh, lumarga kana!" sermon pa ni Mama.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Teen Fiction❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.