Inalay ko ang aking buong pagkatao na para bang hindi ako takot sa maaaring mangyari o para bang hindi ako takot na mawalan at masaktan. At huwag mo akong ituring na mali dahil alam kong walang mananatili at ang lahat ay panandalian lamang dahil akoy lilipas rin.
At kung sakaling ito na ang huling gabing kasama ka aking mahal, tanging hiling ko lang ay hawakan mo ako na para bang ako ay higit pa sa isang kaibigan. Bigyan mo sana ako ng ala-alang maaalala ko hanggang sa huling tibok nitong puso. Hawakan mo sana ko na parang merong tayo. Bigyan mo sana ako ng ala-alang kagaya ng ginagawa ng magkasintahan dahil mahalaga sa akin kung paano ito magtatapos dahil paano nga kung ito na ang aking huling gabi.
Dahil ikaw lang sa akin ay buhay, lumisan man ako ay mananatiling buhay. Patuloy na mabubuhay ang aking pagmamahal mag maliw man ang "Ako".
At kung sakaling ito na ang aking huling gabing kasama ka, nais kong sabihin na mahal kita kakit hindi mo ako magawang mahalin. Maramdaman ko sana na ako ay higit nga sa isang kaibigan. Makita ko sana sa iyong mga mata ang luha, lumbay at pighati dahil akoy magpaaalam na. Kaibigan na higit pa sa kaibigan, Sa huling segundo ng aking huling gabi, marinig at marinig ko sanang sabihin mong "mahal kita".
At nagyari nga ang aking huling gabi, subalit wala ni anino mo ang aking nakita.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesiaLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?