Chapter 2

12.2K 243 21
                                    

Clara's Point of View :

Nagising akong nakahiga sa sahig ng kwarto ko, marahan akong bumangon at pinakiramdaman ang aking sarili, napahawak ako sa aking ulo pababa sa aking leeg dahil nananakit ang mga ito.



Matapos kong bahagyang hilutin ang parte ng katawan kong nananakit ay kaagad din akong bumaba ng hagdan para ipaghanda si Dave ng almusal. May klase kasi kami ngayon at ayoko namang ma-late siya kaya kailangan ko siyang ipaghanda ng makakain.


Mabuti na lang kahit anak mayaman ako ay may alam din ako sa mga gawaing bahay at pagluluto.



Nadatnan ko siyang nakaupo sa dining area habang may kausap sa cellphone niya.


"Yeah, I'll gotta go babe. Wait for me, I'll just fix myself and I'll be there in a couple of minutes." Sweet niyang sabi sa kausap niya.

Napa iling na lamang ako. Hindi ko akalain na may babae rin pala siya bukod sa pananakit sa akin.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak na naman. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Nang unti-unti ng tumigil ang pag agos ng mga luha ko, marahas kong pinahid ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi pagkatapos ay nag tuloy na ako sa kusina.


"You're late! Bilisan mong magluto at may lakad ako!" Bulyaw niya pagkakita niya sa akin.


Sa takot kong muli na naman niyang saktan ay agad akong kumilos, pero dahil sa sobrang pagmamadali ko kaya nabitawan ko ang pinggang hawak-hawak ko kaya nabasag ito at siya na namang ikinagalit ni Dave sa'kin.


"Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo, Clara? Bwesit ka talagang babae ka!" Nang makita kong inangat na naman ni Dave ang palad niya para padapuin sa mukha ko ay kaagad na akong umiwas. Namalayan ko na naman ang sarili ko na umiiyak. Nakakainis na 'to! Bakit palagi na lang akong umiiyak? Bakit ganito?


"S-sorry," nuutal kong hingi ng tawad.

"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang nangyaring iyan? Maibabalik ba ng sorry mo ang nangyari na at nawala na?"


Kung ikukumpara sa apoy, nagliliyab na naman si Dave. Kapag ganito siya, nakakatakot talaga siya, parang pakiramdam ko anytime mapapatay niya ako.


" Hi-hindi ko sinasadya," humahagulgol kong pagpapaliwanag. Habang sinasalo ko ang mga sigaw at galit ni Dave ay aligaga rin ako sa pagpulot ng nabasag kong pinggan.

Dahil wala ako sa konsetrasyon kaya naman nasugat ako. Ngunit hindi ko pinansin ang sugat ko, maliit lang na bagay iyon kumpara sa mga ipinapadanas sa akin ni Dave.


"You're always telling me that you didn't mean it? If you really do, then why are you doing it over and over again? Alam mo, nakakainis ka na! Nakakaasar ka na! Kunting-kunti na lang talaga at mapapatay na kita!"

Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko dahil galit na galit na si Dave, kita ko rin ang pagkuyom niya ng kanyang mga kamao, kapag ganyan na siya ay alam kong hindi pwede na hindi niya ako masuntok.

Inihanda ko na ang sarili ko sa pwede niyang gawin, ipinikit ko na lang ang aking mga mata, senyales na handa na akong saluhin ang suntok niya.

"D*MN it!"

Nagulat ako matapos niyang suntukin ang pader, imbes na sa akin.

Umiyak na lang ako ng umiyak. Hindi ko na alam kung bakit ba natitiis ko lahat ng pananakit ni Dave.

Kung tutuusin pwedi naman akong lumayas sa poder niya. Pero alam Kong hindi pwedi, dahil hindi niya ako hahayaang umalis sa buhay niya, dahil ang gusto niyang mangyari ay pagbayaran ko ang nangyari sa kakambal niya.


My Devilish Husband (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon