Una At Huling Paalam

17 2 0
                                    


Ito ang kauna-unahang beses na sasabihin ko sayong paalam na at sya na ring huli. Paalam na sa mga ala-alang kapwa nagpasaya at nagpasakit sa atin. Paalam na sa mga pagkakataong tayo ay kapwa pinaglapit ng ating pagmamahalan. Paalam na sa mga dahilang ikaw ay para sa akin at ako ay para sa iyo. Paalam na sa sinasabing tadhaa at walng hanggan dahil hindi mo ito kayang panindigan. Ang sakit ng paulit-ulit na lang na masasaktan. Ang hirap ng paulit ulit na lang na nahihirapan. Ikaw ang buhay ko, OO sinabi ko, Pero kung ikaw lang din ang papatay sa akin, huwag na lang kaya paalam na.

Paalam na sa mga panloloko mo. Paalam na sa sakit at sa ligayang panandalian lamang. Hindi ko na kayang lunukin pa ang katotohang lubos ko nang isinusuka. Paalam na sa mga salita mong mananatiling salita na lamang. Paalam na sa mga pagluha at hinagpis na buong tapang kong tiniis para sa ating dalawa. Paalam na sa paniniwalang mahalaga ako sa yo. Tapos na ako sa panaginip kong sa panaginip nga lang mararanasan. Tumigil na ako sa imahinasyong hindi sakop ng iyong pagkatao at mas lalong hindi sakop ng iyong damdamin.Ang lahat ay parang ilusyon lamang.

Paalam na sayo mahal kong hindi ako minahal. Paalam na sa ating mga pusong nais lamang na mahalin. Ayoko nang magdusa pa. Ayoko nang mabuhay pa sa pag-asang magbabago kapa, sa akalang mamahalin mo rin ako, dahil parang hindi. 

Paalam na! Mahal kita, pero hindi ko na kaya!!!

Spoken  Word  PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon