Chapter 2

6.6K 242 8
                                    

"Huwag kayo titigil hanggat hindi niyo natatagpuan ang Emilio at Amanda iyun!" puno ng galit na saad ng Hari ng mga bampira.

Isang malaking banta sa kanya ang magiging bunga ng pagmamahalan ng dalawa taksil iyun.

Ang Vi-Olf o ang lobo na may dugong bampira ay isang sumpa para sa kanya. May kakayahan ang isang Vi-Olf na malamangan ang lakas at kakayahan ng isang tulad niya may dugong bughaw na bampira.

Hindi niya mapapayagan iyun. Marami na siya napapatay na mga nagtaksil sa kanya na kalahi niyang bampira na umibig sa mga lobo at lahat ng mga iyun ay walang natira maliban sa dalawang iyun!

Hindi siya titigil hanggat matagpuan ng mga tauhan niya ang mga taksil na iyun!

"Maraming salamat po,Ina,Ama,sa masarap na pagkain para sa aking ikapitong kaarawan!"masaya saad ng pitong taon na anak nilang  babae.

Masaya na hinaplos ni Amanda ang kulay tsokolate buhok ng anak.

"Napakasaya namin ng iyong ama na dumating ka sa buhay namin,anak.."

Ngumiti ang anak na babae na nagniningning ang kulay tsokolate at bughaw nito mga mata. Ang kakaibang kulay ng mga mata para sa isang Vi-Olf.

Palagi pinangangambahan ng mag-asawa ang tungkol sa kanila anak. Isang nilalang na kinatatakutan ng mga bampira na mabuhay sa mundong ito.

"Masaya din po ako na kayo po ang naging mga magulang ko! Mahal na mahal ko po kayo!" anang ng anak nila.

"Salamat,Anak..basta tatandaan mo na kahit anong mangyari huwag na huwag mong hahayaan na may mapanakit sayo,magiging matatag at matapang ka lang.." anang ni Amanda sa anak.

"Tandaan mo ang lahat na technique sa pakikipaglaban na  itinuro ko sayo,anak..." untag ni Emilio sa anak.

Kahit nasa murang edad pa lamang ito ay iminulat na ni Emilio ang anak sa pakikipaglaban. Mapasahanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang kakayahan ng kanila anak.

Ngayon nauunawaan na niya kung bakit ganun na lamang ang takot ng Hari nila mga bampira sa isang Vi-Olf..nasaksihan niya ang kagila-gilalas na lakas,bilis at talino ng kanya anak habang tinuturuan niya ito.

Natigilan siya nang makaramdam ng pagbabago ng paligid.

"Amanda,dalhin mo ang anak natin sa ligtas na lugar.."agad na saad niya sa asawa.

Agad naman naunawaan ng asawa ang pagkaibig sabihin niya roon.

Maraming taon na nila napaghandaan ng asawa ang araw na ito.

Ilang saglit pa ay halos magiba ang kabahayan nila sa pagdating ng mga lahing bampira.

"Kamusta,Emilio?!" anang ni Alarcon. Ang dating kasamahan niya sa hukbo.

Kumapit sa kanya ang asawa ng makabalik ito.

"Masyado nang mahaba ang pagtampisaw niyo sa bawal na pag-ibig.." nakangisi nito saad.

Naikuyom niya ang mga palad.

"Halughugin niyo ang buong bahay hanggat makakita kayo ng Vi-Olf!" utos nito sa ibang bampira na kasama nito.

"Wala kayo makikita dito,hindi kami nagkaanak.." mariin niya saad.

"Maganda na ang sigurado,kaibigan.." anito.

Naikuyom niya ang mga palad ng sirain ng mga bampira ang buong kabahayan.

"Paumanhin,wala kami nakita kahit saan sulok.."pagyukod ng isang bampira.

"Hmm,kung ganun wala dapat ipag-aalala ang Hari..kayo na lang kasi ang nakatakas sa mga nagtaksil!"

Naging mabilis ang hatol sa kanilang pagmamahalan.

Wala nang buhay na bumagsak sa kahoy na sahig ang katawan ng mag-asawang Emilio at Amanda.

Isang pagmamahalan na nagtapos sa hatol ng kamatayan.

THE LAST VI-OLF byCallmeAngge (COMPLETED)[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon