CHAPTER 7

109 2 2
                                    

PAALALA:

ANG MGA SUSUNOD NA MABABASA AY HINDI PARA SA BATA. HINDI DIN PARA SA MGA ISIP BATA.

WAG BASAHIN KUNG HINDI BUKAS ANG IYONG PANANAW SA MGA GANITONG BAGAY.

-----

ANG MGA SUSUNOD NA MABABASA AY MULA SA IMAHINASYON NG WRITER. ANUMANG PAGKAKAHAWIG NG PANGALAN O NG SITWASYON SA TOTOONG BUHAY AY ISANG MALAKING "COINCIDENCE" LANG. 

SALAMAT PO NG MARAMI.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aya’s POV.

“Babawi nalang ako sa sunod, pasensya na talaga Maris.” sabi sakin ni Stephen bago ko siya tuluyang iniwan kasama si Jericho. Maris- ang pangalang ginamit ko sa araw na to, ang babaeng mahiyain at walang taste sa pananamit. Pangalang muli kong idadagdag sa koleksyon ng mga pagkataong likha ko, ang aking mga balat-kayo.

Pagkapasok ay patakbo kong tinungo ang hallway. Sumalubong sakin ang 14 na mga naglalakihang larawan ng mga dating nagmay-ari ng mansion. Nakasabit ang mga ito sa kulay pulang konkretong dingding at nakaayos mula sa nagpatayo at pinaka unang nagmay-ari na si Senior Diosdado Villamor na nakalagay sa pinakabungad na sinundan naman ng mga sumunod na tagapagmana.

Patakbo kong sinalubong ang masasakit nilang tingin. Mga tinging nanlilibak, mga tinging nangungutya. May mga naaawa at may mga nalulungkot. At meron ding hindi man lang ako kayang tignan.

Pero sa kanilang lahat, ang pinakamasakit ay galing mula sa pinakahuling larawan. Kuha ito ng isang babaeng nakasuot ng dilaw na saya, nakakumpol ng maayos ang kulay mais niyang buhok sa kanang balikat at may sapat na make-up upang mas lalo pang mapaangat ang natatanging ganda. Masaya niyang tinitignan ang karga-karga niyang anak, ang sanggol na labis kong kinaiinggitan. Naiingit ako dito dahil sa alam kong masaya ito, dahil alam ko na wala itong alintanang sakit, na kahit na anong mangyari ay hindi ito iiwan ng kanyang ina. Naiinggit ako.

Masakit silang tignan, pero mas masakit ang tingin sakin ng sanggol. Kahit hindi ito magsalita, kahit hindi nito ibuka ang kanyang maliit na bibig, kahit wala itong gawin, alam ko na alam nya na naiintindihan ko ang mga sinasabi ng mga itim nyang mata. Alam ko na alam nya na naririnig ko ang mga tanong niya. Alam ko na alam nya na kilala ko siya. At alam ko na alam nya na nasasaktan ako sa tuwing tinatanong nya ko ng “Aya, anong nangyari sayo? At paano ako nagkaganyan?”

“Wala kang pakialam. Wala kayong pakialam! ”

Nakarating ako ng guest room ng nanghihina, animo’y kinain ng mga larawan ang lakas ko. Lalo tuloy lumakas ang pwersang gustong kumawala sa loob ko dahil sa nawalan ako ng kontrol sa aking katawan.

Arf, arf. Bati sakin ng mga maliliit kong aso ng marating ko ang guest room. May sampu din ang bilang nila at malaya silang nakakapaglaro dito sa loob ng bahay, pribilehiyong hindi natanggap ng mga aso sa labas. Kinailangan ko silang hayaan dito sa loob dahil hindi ko sila pwedeng isama sa mga aso sa labas, masyadong mapanganib.

Ang kwarto ay puno ng iba’t ibang kagamitan na ambag ng mga dating nag may-ari sa mansion. Mga kasangkapang gawa mula sa iba’t ibang punong kahoy, mga babasaging muebles na mula pa sa iba’t ibang bansa, mga ulo ng hayop na ginawang palamuti sa dingding at mga gamit na ipininta o inukit nang kung sino man at hindi ko alam kung saan galing. Sa kanang bahagi naman ay may maliit na fire place na bihira naman magamit.

The Heartstealer (CENSORED).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon