["Hi oni!"] text ng isang unknown number.
"Chelsea,kanino mo na naman binigay number ko?" si chelsea lang naman mahilig mamigay ng number ko eh.
"Anong kanino?" takang tanong nya.
"Wag ka na magkunwari pa,tignan mo oh! May nagtext na naman sakin di ko kilala." tapos inabot ko sa kanya yung cellphone ko.
"Ay kaloka ah! Di ko alam yan di ko na pinapamigay number mo." maarteng sabi nya naman umiikot pa ang mata taray!
["Who you?"] reply ko. Wala pa ilang segundo nagreply na sya agad.
["Aw! Di mo na ko agad kilala."] napakunot yung noo ko sa nabasa ko. Di ko na sya kilala? Bat kilala ko ba sya ang gulo.
["Tatanungin ba kita kung kilala kita tss."] -ako
["Sorry na sungit mo naman hehe."] -sya
["PAKI DELETE NA LANG YUNG NUMBER KO DYAN SA PHONE MO!!"] yan capslock na para madama nya yung inis na nararamdaman ko.
"Ang kilay oni nakakunot na naman."singit ni chelsea habang may lollipop sa bibig.
"Eh kase nakakainis tong nagtetext sakin eh!" napahalakhak namam siya,anong nakakatawa kaya.-_-
"May nakakatawa ba Chelsea Rivera?" napaayos naman sya ng upo.
"Wala para ka kaseng baliw! Sa dinami dami ng nagtetext sayo yan lan yung pinag aaksayahan mo ng oras haha."binato ko sya agad ng unan ay mabilis naman syang nakailag. Di ko na lang sya pinansin wala din naman akong mapapala eh
["Bakit?"] reply nya. Lalong pinag iinit ng stranger na to yung ulo ko nakakainis.
["Hehehe! Biro lang gusto lang kita maging kaibigan."] second reply nya.
Gusto nya pala ako maging kaibigan eh bat ayaw nyang magpakilala sa akin ng ayos? Dinadaan daan nya pa ko sa mga text text aksayado sa load eh.
["Pano pag sinabi kong ayaw kong makipagkaibigan may magagawa ka?"]reply ko.
["Oo naman :)"] aba may gana pang mag emoticons ah.
["Ano?"] -ako
["Secret! Hahaha"] konti na lang talaga naiinis na ko dito.
["Ewan ko sayo!!"] Bahala na sya s abuhay nya.
["Uy! Wag kana magalit ms beautiful hehe."] hinayaan ko na lang di ko na sya nireplyan nakakainis.
["Pst oni?"]
BINABASA MO ANG
Stalker (LOINIE Story)
FanfictionMay isang babaeng maiinlove sa sarili nyang stalker. Di nya kilala ang pangalan nito,kung tagasaan ba at kung ano ang itsura nito. Basta alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga natatanggap nyang regalo ng kanyang stalker at halos napapangiti sya...