Chapter 3

63 10 0
                                    

Ryle's POV

"Babe!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tila tinatawag ako.

Si Margarette, ang babaeng muntik ng sumampal kay Sam.

"Don't call me babe. Tapos na tayo." Malamig na tugon ko sa kanya.

Tama na ang isang linggo para sa aming dalawa.

Hindi ko na masikmura ang pagiging palaaway niya. Nakakasawa na.

"What? No! Sa tingin mo papayag ako? Isang linggo pa lang tayo tapos ganyan ka na? Makikipaghiwalay ka na agad? No way. You're mine Ryle." Galit na wika niya.

"I'm not yours anymore Margarette. We're over." Mariing sabi ko.

"Ganyan ka ba talaga, Ryle? Masyado kang mapanakit sa damdamin ng mga babae." Paiyak na siya alam ko.

"What do you expect? I am known as playboy here. Don't expect me to pursue you because for me, you're just one of my toys." Malamig na sabi ko.

Nakangising humarap ako sa kanya.

"Hindi ko minamahal o pinapahalagahan ang taong para sa akin ay laruan at pampalipas oras lang. At saka, kung hindi mo babaguhin iyang ugali mo, ewan ko na lang kung may papatol pa sa'yo." Sabi ko sabay alis.

--

Pagkarating ko sa classroom ay wala pa si Sam.

It's been a week since naging magkaibigan kami. And she's a good best friend I must say.
Sobrang kulit niya at sobrang komportable ng aking pakiramdam sa tuwing kasama ko siya.

Maya-maya pa dumating na ang personal development teacher namin ay wala pa rin siya.

Parehas pala kaming ABM student. Accountancy, Business and Management.
Marami kaming hilig na magkaparehas. Siguro yun yung dahilan kung bakit komportable na kami ngayon sa isa't-isa.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig kay ma'am ng maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

Lihim kong tiningnan iyon.

From: Samantha panget

Huy playboy. Psyensya na hndi aq mkakapsok ngaun kasi tnanghali aq ng gcng kakabasa ng wattpad. Mamayang hapon pa aq mkakapsok.

Napatawa ako't napailing. Agad ko siyang nireplayan.

To: Samantha panget

Sige Samantha panget. Pasok ka maya a? Ingat!

Pagkatapos ko siyang replayan ay tinago ko na ang cellphone ko sa bag saka bumaling sa gurong nagtuturo sa unahan. Mahirap na baka mabulyawan pa.

Saan naman kaya ako hahanap ng chicks mamaya?

Bahala na nga.

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now