Chapter 24..
Nagising ako dahil sa taong kanina pa kumakatok sa pinto. Nilock ko na po kasi kagabi para wala nang makapasok.
Knock. Knock.
Eto na naman po siya. Di pa ba nasasaktan ang mga kamay niya kakakatok? Sana manlang magpatulog siya. Kahit fifteen minutes man lang oh..
Knock. Knock.
Parang awa mo na! Gusto ko pang matulog!
Pipikit na sana ulit ako. Kaso..
Knock. Knock.
Knock. Knock.
Padabog akong bumangon para pagbuksan ang istorbong kumakatok.
"Andito ka na naman?"
Kahit kailan talaga istorbo siya ng tulog. Ba't ba kasi hindi pa siya umuuwi sa kanila?
"Hayy! Buti naman at binuksan mo na." He said smilingly.
"Istorbo ka talaga ng tulog kahit kailan! Ba't ka ba kasi parating nandito?"
"Hoy!" Tila nagising ang diwa ko dahil sa tono ng boses niya. "Parang bahay mo 'to ah.. Family house kaya natin 'to.. atsaka di ako aalis hanggat hindi pa ibinibigay ni tita Trina ang pasalubong ko."
Napakunot ang aking noo sa sagot niya.
Yan lang ang dahilan niya? Mukha talaga siyang pasalubong.
"Oo nga pala. Family house 'to.. May kwarto ka pala dito, yun nga lang walang pasalubong si mommy sa'yo." Pang-iinis ko sa kanya kaya ang mukha niya ngayon at malungkot.
"Tss, si tita Trina talaga. Nakalimutan na naman! Tara na nga sa baba! Kain na raw tayo sabi ni lola." Umalis na nga siya at bumaba na ng hagdan ng walang gana.
Kawawa naman si kuya Sid, walang pasalubong. Haha.. honestly, nasa akin. Tinago ko lang.
Sabay kaming pumasok ni kuya Sid pati su Dawn ay sumabay na rin sa amin.
As usual, nagtitilian na naman ang mga fangirls. Pero imbes na Savior Kings ang tinitilian nila, si Khaled. Oo, si Khaled at hindi ako namamalikmata. Siya nga!
Pero parang manhid naman 'tong lalaking 'to. Di niya pinapansin ang nga babae at naglalakad lang siya papasok.
"Ang gwapo niya best!"
"Naku, kung magiging akin siya, bibitaw na ako sa pagiging fangirl."
"He's the answer to my prayer!"
"Akin siya Stacey! Ako ang unang nakakita sa kanya!"
"He is mine Steff! Wag ka ngang ambisyosa, hindi siya magkakagusto sa'yo! He is mine and not yours!"
Yun lang naman ang mga salitang narinig ko sa kanila. May pa-he's mine he's mine pa sila ah! Tingnan nga naten kung di kayo inggitin saken.
"Khaled!" Tawag ko. Napahinto naman siya kaya agad akong lumapit sa kanya.
Oh see? Nganga sila! Wala silang masabi! Haha.
Nagpatuloy na nga kami ni Khaled sa paglalakad. Naiinggit nga sila! Ang sarap pala nilang asarin. Haha. Nakakatawa!
"Slut talaga siya! She's a bitch!"
"Akala mo naman ang ganda ganda niya, ang pangit niya kaya! Ambisyosa!"
"Ang landi talaga! Noon, si Calyx tapos ngayon SIYA! Sino kayang isusunod niyang landiin?"
Sabi ko nga, yan na sasabihin nila sakin eh!
BINABASA MO ANG
The Goddess Nerd Story [Completed]
Teen FictionJanella Salvatore Avista. A goddess, gorgeous, rich, hot, sexy and smart. Lahat na yata ng hanap mo sa isang babae, nasa kanya na. She's like an angel. A kindhearted person. Mabait, mahinhin, matulungin at hindi siya mahirap pakisamahan. And she alw...