💝Chappitter 132💝

286 6 0
                                    

5 mins....

4 mins....

3 mins....

2 mins....

1 min.....

Briiiiiing!

"Class dismissed" nagsilabasan na ang mga estudyante at dahan dahan naman akong tumayo. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung kahapon masama na pakiramdam ko, ngayon mas malala. Dagdag pa na wala si Micks ULIT kaya kailangan namin magcommute eh may bagyo kaya ang lakas ng ulan. Kailangan pa atang magunaw ng mundo bago magsuspend ng klase tong school na to. Kawawa naman ang diyosa kong sarili huhu.

"Halika na para makalafang na us! Tom jones na si watashi" sabi ni Lau sabay hatak sakin

"Hala! Ang init mo" puna niya

"Hot ko kasi" pabiro kong sabi kahit na ang sakit ng ulo ko ng bongga. Inirapan naman ako nila Lea

"Okay pa yan, magaling pa magsinungaling eh" sabi ni Lea. Pagkadating namin sa cafeteria ay nagorder na sila ng pagkain habang ako ay nakabaon ang mukha sa lamesa. Wala akong ganang kumain. Pagkadating nila Lau ay kumain na sila. Inalok nila ako pero tumanggi ako at triny umidlip pero hindi ko magawa kasi ang ingay

"Omg look oh. May zombie hahaha" dinedma ko nalang ang sinabi ni Marjorie. I'm too beautiful para patulan ko ang witch.

"Look oh may bitch na nagsasalita hahaha" mapangasar na sabi ni Lau. Hay... tumayo na ako at yung buhok ko ay nakaharang sa mukha ko kaya para akong si Sadako. Hinawi ko to pataas bago harapin si Lea

"Labas lang ako. Text ko nalang kayo mamaya" paalam ko bago lumabas ng cafeteria. Pumunta ako sa locker ko at kumuha ng isang sweater na laging nasa locker ko just in case.

"SISTEEEER!" napatingin ako sa likod ng may tumawag sakin.... si Audrey!

"Aud!" Mahinang sigaw ko. Masakit ang lalamunan ko para sumigaw ng malakas no.

Nakaoffice attire pa siya, siguro kakadating niya lang. Tumakbo siya papalapit sakin tapos niyakap niya ako. Niyakap ko din siya pero mas mahigpit

"Namiss kita" sabi ko

"Namiss din kita, Zands.... teka.. ang init mo ah" sabi niya sabay kalas. Hinipo niya ang noo ko at napapikit ako kasi ang lamig ng palad niya

"Hala siya! Be ang taas ng lagnat mo! Come, punta tayo sa clinic" sabi niya at hinatak ako papuntang clinic. Chineck up ako ng nurse tapos binigyan ako ng gamot pero kailangan ko daw munang kumain kasi wala pa akong kain.

"Wait lang ah. Bibili ako sa cafeteria" paalam ni Aud at lumabas na ng clinic. May heater dito sa clinic kaya hindi ko na kailangan suotin pa yung isang sweater ko.

Nakatingin lang ako sa white ceiling habang hinihintay si Aud. Syempre pag nakaganun, automatic na mapapaisip ka. Napaisip ako about sa status namin ni Mickey.

Naputol ang kung ano man ang iniisip ng aking beautiful brain ng marinig kong bumukas yung pinto. May nakaharang kasi na green curtain kaya hindi ko makita kung sino yun.

Pero baka si Aud yun kaya umupo ako.

"Aud! Anong nabi-oh... Mickey"nagulat ako ng makita ko si Mickey ng nahawi ko na yung kurtina. Medyo nagulat naman din siya... Siguro...kasi lumaki yung mga mata niya.

"Hey, Minnie... Anong ginagawa mo dito? May sakit ka? "tanong niya at lumapit sakin. We hugged each other.

" May lagnat eh"sabi ko at nahiga ulit. Umupo naman siya sa tabi ko. May nakita akong something sa bandang pisngi niya na parang color blue na ewan.

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon