Not a Game
“Wanna play beach volleyball, guys?” napatingin ppnaman ako kay Drei na may hawak na bola.
“It's your forte, right Den?” nakangising tanong sakin ni Blake. Hindi ko alam kung anong iniisip ng mg kaibigan ko. Buy one thing's for sure, its trouble.
“C'mon! Make him watch you in awe. Get his attention, Den. Or you'll be stuck here looking at them.” Carly is really good st convincing people.
“A'right! A'right! I'll play!” pagsuko ko sa pambubuyo nilang dalawa. Lumapit naman ako kay Drei na kasalukuyang ineenganyong sumali si Aliyah. “Drei! I'll play!” napatingin naman sa direksyon ko si Hendrick at Aliyah na parehong gulat sa sinabi ko.
“Don't let her, Drei. Baka masaktan lang s—”
“Well, for your information mister. I can play whenever I want to. You don't need to forbid me to do anything. I can handle myself, beside its only a game not a war.” pagputol ko sa anumang sasabihin pa ni Hendrick.
Naiinis na talaga ako sa kanya, doesn't he feel that?! Una, hindi na nya pinapansin simula nang makita nya so Aliyah. Then these?! Sumama na nga ako dito para magsaya tapos pagbabawalan nya akong gawin ang kung anong gusto ko?!
Nakita ko ang pagkunot ng noo nya pati na rin ang pag-igting ng panga nya. I don't care about him now, I just wanna have fun today. Sa huli ay napapayag na Drei si Aliyah na sumali. Noon daw kasi ay magaling itong maglaro ng volleyball. She plays volleyball, alright but I'm better. I'm the best when it comes to these. There's no way I'll let her win these. I might be crazy, but I'll treat these as a war not a game— a war between me and Aliyah.
“So ayon, it's 3 on 3 game. Two sets lang ang game natin. Ako, si Urielle at Brix ang team A. Tapos si Calvin, Aliyah at Jax ang team B. Si Xandrou naman ang referee, at si Crista ang scorer. At ang line man sina Trey at Tristan. Okay?” sabi ni Drei na sinang-ayunan naming lahat.
Lumapit naman samin si Xandrou at nagheads and tails. We got to serve first. Pinalo na Brix ang bola sa kalabang team at nasalo naman iyon ni Calvin, pinasa naman nya ito kay Aliyah na mukahng hahampasin pabalik sa amin. Pero bago pa ito lumampas sa net ay naiblock ko na ito. Hanggang sa hindi na ito naabutan pa ni Jax.
Ngiting tagumpay naman ako ng tignan ako ni Aliyah. You'll never win against me. Nagpatuloy ang laban hanggang sa manalo kami sa first set. 25-18 ang score. Habang water break kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi ni Aliyah at mas lalong nag-apoy ang galit ko sa kanya. Hendrick was wiping her sweat in her face that he never did for me.
“Iba talaga 'tong si Drick no? Biruin mo, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungi kay Aliyah. Ganon pa din, katulad noon.” seryosong pahayag ni Jax na tinanguan lang ni Drei.
“Naaalala mo noon, nung isang linggong hindi nagpakita si Aliyah sa Casa? Muntik nang maglayas si Drick para lang makita si Aliyah. Bumabagyo pa noon di ba?” natatawang pagpapabalik- tanaw naman ni Drei.
Well jerks! Nandito ako sa tabi nyo! Stop reminiscing Hendrick's fucking affection for that Aliyah. Because seriously, I'm close to ripping your heads off!
“Tapos yung nalaman nyang nagsakit si Al—” bago pa makapagsalita si Jax ay inis ko silang iniwan doon at lumapit kay Xandrou at sinabihang ituloy na ulut ang laro. Nahihiwagaan man ay ginawa naman nya ang sinabi ko.
Nasa kalahati na ng 2nd set ang laro nang ako na ang magseserve ng bola. Sinadya ko talagang lakasan ang palo nito para umabot ay Aliyah pero nakuha naman ito ni Calvin. May susunod pang pagkakataon. Naging mainit ag pagpalo ng bola, hanggang ipinasa sakin ni Drei ang bola, na sumaktong katapat ko si Aliyah. Ngumiti muna ako nang matamis kanya bago ito pinalo sa direksyon nya. At naging tagumpay ang plano. The ball just hit her directly at the face.
Nang matumba ba ay itinigil ang laro kaya naglapitan na silang lahat kay Aliyah. Napangiti ako sa aking isipan pero nawala rin iyon ng makita kong hinawi ni Hendri k ang kumpol namin at nag-aalalang lumapit kay Aliyah.
“L-Liyah, wake up!” mas lalo akong nagngitngit nang marinig ko ang boses nya.
“I'm sorry, napalakas siguro ang palo ko.” pagkuha ko ng atensyon nila, lalo nya.
“You should've been careful!” napaigtad naman ako sa biglang pagsigaw ni Hendrick sa akin.
“I didn't mean to do thaf, if she was ready to get the ball maybe that didn't happen!” pagkontra ko sa kanya
“Well, yo—”
“Well, I guess hindi na dapat ako sumama pa dito hindi ba?” nginitian ko na lang sya at tumalikod na ako pero nang ihahakbang ko na ang paa ko ay natumba ako. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng paa ako. Fuck! Mukhang namali ang pagbagsak ng paa ko kanina!
“Den! You have a sprain!” itatayo na sana ako ni Blake pero umiling ako dahil mas lalo lang itong sumasakit.
“Hendric—”
“She said, she can handle herself Carly. She don't need help.” malamig ang boses na iyon ni Hendrick.
Parang may napunit na kung ano sa dibdib ko nang marinig ko iyon. He was playing it hard. Tinignan naman ako ni Carly at nakikita kong nag-aalala sya. I want to prove him that he's right. That I can stand on my own.
Kahit masakit ang paa ko at pinilit kong tumayo at maglakad pabalik sa cottage namin. Kahit na nakasunod sa akin si Carly at pilit akong inaalalayan ay hindi ko sila pinayagan na lumapit sakin. Hanggang sa makarating ako sa cottage ay agad na akong pumasok at hinayaan na sina Carly.
Nanghihinang humiga ako sa kama at hinayaan ko na lang ang paa kong nakatapak sa sahig. Habang nakapikit ako ay naalala ko muli kung paano sya tumingin sa akin kanina at kung papaano nya akong sigawan dahil lang sa aksidenteng iyon kay Aliyah. Hindi nya pa ako nasisigawan nang ganoon katindi. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang malamig na bagay na dumadampi sa paa ko. Kahit nanlalabo pa ang paningin ko ay pinilit kong tignan kung sino ang gumagawa ko. At halos magngitngit ako sa galit ng makita ko sya.
“Get out.” halos ibuhos ko lahat ng galit ko sa pagsasabi ko niyon sa kanya. Pero hindi man lang sa natitinag. “Get out Hendrick.”
“May sprain ka, kailangang magamot agad! Just let m—”
“Wala akong pakialam sa sprain na yan! Umalis ka na!” nang lingunin nya ako ay nagulat ako sa ekspresyong pinapakita nya. Pero hindi ako magpapaapekto sa kanya. “I said get out Hendrick! Don't you understa—”
“I'm sorry okay?! I shouldn't have shouted at you. I was a jerk, I know. Dapat hindi ganon ang ginawa ko. I'm real—”
I wore my coldest stare I could give and mustered, “You don't need to say sorry Hendrick. That won't change anything. Just get out. I don't need you.”
His face softened and he tried to reached my hand but I swatted him away. Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat nito pati pagdaan ng pagsisi at lungkot sa mga mata nya, but I won't that affect me. Not now.
Pumikit na lamang ako para hindi ko makita ang emosyong pinapakita nya sa akin. May ilang minutong tumahimik ang buong kwarto bago ko narinig ang malalim nyang paghinga at ang paglalakad nito palabas ng cottage.
I just don't need his concern now just because he's guilty.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.