Untitled Part 1

23 0 0
                                    


Minsan di ko maiwasan ang isipin ka.
Lalo na sa tuwing nag-iisa.
Ano na kayang balita saiyo?
Naiisip mo rin kaya ako?

Matagal-tagal na din, pero hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan.
I saw your posts on fb, I guess you're fine.
Naaalala mo pa ba ako? We used to be so close, pero parang hindi mo na ako kilala ngayon.

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdaming pilit kong tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso

Sampung taon na rin pala simula nung umalis ka.
Kahit sobrang tagal na, nasasaktan pa din ako.
Akala ko nakalimutan na kita, pero mahal pa rin pala kita.

Parang kulang nga kapag ika'y wala.

Hindi ko alam pero, parang there's a part of me na nadala mo kasama nung pag-alis mo.

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo....

Totoo ba na pag nag wish ka sa shooting stars eh matutupad?
Ilang shooting stars na ba ang dumaan, pero bakit hindi ka pa din bumabalik?
Gusto ko na ulit makita ang iyong mga ngiti.

Alaala mong tinangay na nang hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasaan ka na kaya?
Aasa ba sa wala?

Simula kinder, magkaibigan na tayo.
Sobrang dami nating memories na nabuo.
Sa sobrang dami, hindi ko na maalala yung iba.
Ultimo yung boses mo pag tinatawag mo ang pangalan ko ay limot ko na.

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo.

Kahit sa huling pagkakataon lang.
Marinig kong muli na sambitin ng iyong mga labi, na mahal mo rin ako.
Nangungulila sa lahat ng taon na lumipas, na wala ka sa aking piling.

Ipipikit ko ang aking mata
Dahil nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na.......

Siguro nga hanggang dito na lang talaga tayo. Oo nga pala, walang tayo. Ang meron lang ay Ikaw at Ako.
Pipilitin tanggapin na wala ka na sa aking piling.
Kung alam ko lang na hindi na tayo mabibigyan pa ng pagkakataon, sinulit ko na sana yung natitira pang panahon.
Ngunit huli na ang lahat, dito na magtatapos ang ating sulat.

HilingWhere stories live. Discover now