Secret Admirer- Growing Anger

1.4K 46 1
                                    

Chapter 67
**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Mukha kang timang." Komento ni Kevin sa mukha ko habang natatawa. "Umiiyak ka habang tumatawa. Anong drama yan Casey?"

"Ano ba? Heartbroken na nga tapos nangaasar ka pa. Eh kung upakan kita ngayon para tuwang-tuwa ako?"

Kanina niya pa ako pinapatahan at pinapayuhan. Pero ako nakikinig lang at patuloy na umiiyak. Pero kasi biglang kung anu-ano yung pinagsasabi niya na napapatawa na lang din ako. Loko-loko. Mukha nga tuloy akong timang.

"Pero di nga, panaginip lang ba ito? Sana. Sana isa lang itong malaking bangungot. Ewan ko ba. Totoo ba talaga ito?"

"Mahirap mang paniwalaan pero kasi yun yung totoo. Yun yung nangyari. Try to move on. Alam kong isa kang matapang na babae. Daig mo pa nga yung basagulero sa daan. Ang hilig mo manapak. Kaya naniniwala ako na kaya mo yan. Na malakas ka. Minsan may mga bagay na nakakapanghina sa atin na gusto na lang natin sumuko at magpatalo. Pero ang tanong, magpapatalo ka ba kung alam mo namang kaya mong tumayo? Kahit na nahihirapan ka, kaya mo namang lumalaban hindi ba? Naiintindihan ko na masakit yun para sayo pero di ibig sabihin nun eh patuloy mong dadalhin yung galit at sakit na yun habang buhay. Kailangan mo lang siguro na magisip na magiging maayos din ang lahat. Wag ka magalala. Nandito lang ako palagi sayo."

"Ano na lang sasabihin ng iba sa akin? Na ang tanga tanga ko? Oo siguro nga. Ganun naman lagi. Alam ko na hindi lagi akong masaya kapag umiibig at alam kong lagi ko ring mararanasan yung masaktan. Pero hinahanap ko lang naman ay yung taong magpapasya sa akin hanggang sa huli kong hininga. Yung oo, nagkakatampuhan kayo pero sa bandang huli, lagi kayong nagkakapatawaran kasi mahal niyo yung isa't-isa." Kung sana lang dati, yung wala pa si Leila at si Shin sa buhay ko, naging kami na ni Kevin. But things change.

"Kapag nagmahal ka, huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba. Bakit? Kapag ba nasaktan ka, kasali sila? Hindi naman di ba? Tsaka, baka naman iba yung taong nakalaan para sayo. Nandiyan lang sa paligid. Malay mo nga katapat mo lang." Piningot ko tuloy. Pare-parehas talaga ang mga lalaki. Halata sa banat nila. Ilang beses na ba ako nakarinig ng ganun?

"Aray! Eto naman." Reklamo niya.

"Eh ikaw ang katapat ko." Ngumiti naman ako bigla. Hala. Ako na ang bipolar.

"Uyy, bakit ka nakangiti ng ganyan ha?"

"Wala. Salamat ha dahil pinangiti mo ako. Kahit di ko man siya nabalik, nabalik ko naman yung bestfriend ko." Pinat niya yung ulo ko na para akong aso.

"Good girl. Basta maging matapang ka. Tandaan mo na maraming maraming nagmamahal sayo."

"Gaano karami yang maraming maraming yan? Ikaw nambobola ka na naman." Tapos pinektusan ko.

Mas mabuti na yung pakiramdam ko.

Di man nawala yung sakit pero nabawasan pa rin.

*

Ang aga ko ngayong nagising. Nakaligo na nga ako, nakabihis at nakakain. Di kasi ako makatulog pagkabuklat ko pa lang ng mata ko. Iniisip ko yung nangyari kahapon.

Paano ko sila haharapin?

Iiwas ako? Siguro. Papatawarin ko ba sila? Baka. Masakit? Sobra.

Bago pa ako makalabas, nakakunot-noong lumapit sa akin si mommy at hinawakan ako sa balikat. "Are you okay?" Tumango ako. Alam niya ba? "I know what happened. Bakit ka ba nakipaghiwalay? Shin is a good man. Anong nangyari?"

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon