PAYONG

35 2 0
                                    

PAYONG

Written by: theunluckypretender

Haayyy…… umuulan na naman,umiiyak na naman ang langit kaya pati ang puso ko umiiyak din.

Bakit kasi kapag umuulan naalala ko sya?

Dahil ba ang ulan ang naging dahilan para paghiwalayin kaming dalawa,na ang ulan ang syang naging hadlang para hindi kami magkatuluyan …

At sa oras na bumuhos ang napakalakas na ulan..

Bubuhos nadin ang luhang kumukubli sa aking mga mata

at akong naiwan ng taong mahal nya ay mababasa ng ulan na nanggaling sa kalangitan

wala kasi akong payong na pwedeng pumrotekta sa akin sa oras na kailangan ko ng sasagip sa akin at naisip ko na siguro habambuhay ng walang magliligtas sa akin sa unos na ito…

Pero ayos nadin ang ganoon para walang makakita na nasasaktan ako at maitago ng ulan ang luhang bumubuhos sa pisngi ko …

At ngayon heto na naman ang ulan kung kelan anniversary namin ng boyfriend ko saka sya bumuhos hindi tuloy ako kaagad  makapunta sa lugar na napagusapan namin, maaga pa naman, papatilain ko muna ang ulan wala kasi akong dalang payong eh nakakainis bakit kasi nakalimutan ko pang magdala ng payong ngayon?!

Mga isang oras din siguro bago humupa ang ulan naku late na ako ! chineck ko yung relo ko almost 1hour and 30mins. late na ako sana maabutan ko pa sya..

Hingal na hingal akong dumating sa restaurant na napagusapan namin agad ay pumasok ako sa loob para hanapin sya pero ni anino nya wala akong nakita, nagulat naman ako ng may isang waiter na lumapit sa akin..

“Ms. Osaki right?” tumango lang ako sa tanong nya

“May letter  pong pinaiwan sa inyo .. “ sabay abot nya sa akin ng sulat

“Salamat ..” tapos umalis na sya

Nanginginig kong binuksan ang sulat sobrang lakas ng tibok ng puso ko

-          Im sorry but I need to go,

I can’t wait for you anymore    -

Bigla bigla ay tumulo ang luha ko, kasabay din ng pagtulo ng ulan sa kalangitan sa labas ng restaurant na ito …

Bakit?! Bakit ang ulan nalang palagi ang nagiging hadlang para maging masaya ako? Bakit palagi nalang nyang kinukuha ang mga taong mahal ko ..

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko lumabas ako ng restaurant at hindi ko inalintana kung mababasa ako ng ulan dahil ang alam ko lang ngayon  ay nasasaktan ako at ang mga luhang dumadaloy sa mata ko ngayon ay kailangang itago sa pamamagitan ng ulan na syang palaging nagiging dahilan para masaktan ako ng ganito..

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa park mabuti nalang umuulan dahil walang nakakapansing umiiyak ako, umupo ako sa isang bench at patuloy na umiyak habang nakayuko, nanginginig nadin ang katawan ko dahil sa basang basa na ako at giniginaw ..

Pero nagtaka  ako ng maya maya  wala na akong maramdamang pumapatak na ulan sa akin samantalang ang lakas ng buhos ng ulan kaya naman napatingala ako dahilan para makita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin at may hawak na payong..

“Alam mo kung gusto mong umiyak andito lang ako “ nabigla ako sa sinabi nya paano nya nalamang umiiyak ako eh ang lakas ng ulan..

“H-hindi ako umiyak noh! Saka  sino ka ba?“ tanggi ko sa kanya

“You’re an unlucky pretender you know , cause I know the different of tears in raindrops, so don’t pretend that your ok even though your not … “ natameme ako

“And by the way im James “ sabay ngiti nya

“And Im here to protect you and i will never let you cry again ever..”

Simula ng araw na nakilala ko si James hindi ko na naramdaman ang maging magisa , sa kabila ng ulan na syang  nagbigay ng dahilan para masaktan ako dumating si James para iligtas ako gamit ang payong nya na syang nagging dahilan para maging masaya ako..

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit palaging umuulan sa tuwing hinahanap ko ang pagibig ko ito ay para pigilan akong mapunta sa maling tao at maging daan para matagpuan ko ang taong talagang nakatadhana para  sa akin ..

Dahil sa ulan na yon naging daan ang payong ni James para magkrus ang landas naming dalawa at kung noon naiinis ako sa tuwing bubuhos ang ulan iba na ngayon ..

“Honeeeeeeeeeeyyyy!!! Ligo tayo sa ulan dali!!” parang batang yaya sa akin ng asawa ko natatawa naman ako sa ginagawang ito James

“Hahaha ok honey wait lang hahanap ako payong “ bigla naman ay natigilan sya

“Bakit ka magdadala ng payong?  ee maliligo nga tayo sa ulan eh..” nagtatakang tanong nya naman kaya humarap ako sa kanya at ngumiti

“Honey papanuorin nalang kita maligo sa ulan bawal kasi akong mabasa baka magkasakit kami..” mas lalo namang naguluhan ang mukha nya

“Kami?!” tumango lang ako

“Yup ! and you need to protect us daddy !” Bigla ay nagbago ang expression ng mukha nya at ngumiti ng parang wala ng bukas ..

“You  mean..”

“Im pregnant !”

“YES! magiging daddy na ako! Woohh !!” napatili naman ako ng bigla nya akong kargahin at nagpaikotikot kaming dalawa..

“Honey ano ba ibaba muna ako ..” binaba naman nya ako at hindi parin maalis sa mukha nya ang saya

“Hahanapin ko lang ang payong so I can protect you and our baby forever “

Lahat ng bagay na nagyayari sa atin ay may dahilan..

Ilang beses man akong nasaktan ayos lang dahil kung hindi ako nasaktan noon baka hindi rin ako masaya ngayon at baka hindi ko makikilala si James ..

Kahit na nahihirapan na tayo wag tayong susuko

Sometimes we need to get hurt for us to learn ..

Ang ulan man ang syang naging dahilan para masaktan ako sya naman ang nagbigay daan sa payong ni James para matagpuan ako ..

Salamat payong !!!! ^__________________^

the end...

(a/n: salamat po sa pagbabasa ng story kong ito first time kong gumawa ng oneshot sana po kahit papaanoy natuwa kayo.. guys sana po suportahan nyo din ako sa other stories ko )

PAYONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon