Prolog

9 0 0
                                    


👑

"Pangit ba ko?"

Hindi na nya napigilan ang sariling ilabas ang nilalaman ng kaniyang kalooban habang matuwid ang mga matang nakatitig sa tao na kanyang kaharap.

Seryoso at tahimik lamang ito matapos mapakinggan ang lahat ng kanyang mga pinagsasasabi kani-kanina lang.

Hindi na siya nakatiis na ipagtapat ang kanyang nararamdaman sanhi nang maka ilang ulit nitong pambabaliwala sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

Ang malalim at kulay tsokolate nitong mga mata ay kakikitaan ng kawalan ng emosyon.

Mula sa matangos na plataporma ng ilong, manipis at likas na mapupulang labi, maging ang maginoong panga nito ay syang nagsisilbing pananggala sakanya upang hindi mabasa ang nilalaman ng isip nito.

Bagamat kapwa nanatili ang titig nila sa isa't isa ay mariin itong napapikit upang putulin ang tensyong namumuo sakanila makalipas ang ilang sandali.

Isang malalim na pagbuga din ng hangin ang nito pa ay pinakawalan bago nagsimulang kumilos para doon ay makaalis.

"Sandali!"

Maagap na pagpigil niya rito subalit nagpatuloy lang ito at hindi sya binigyang pansin.

Wala na syang naisip na ibang paraan kundi habulin at harangan ang daraanan nito upang mapahinto sa paglayo.

"Hindi mo alam ang mga pinagsasasabi mo."

Panimula nitong ngayon ay katapat na nyang muli.

Sakanyang patitig rito.
Bigla ay kanyang napagtanto kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Halos ilang pulgada na lamang ito kung tutuusin.

"Yan lang ang sasabihin mo?
Yan lang ang reaksyon mo sa lahat? Seryoso ka?"

Hindi makapaniwalang hayag ng dilag sa narinig na sagot nito.
Di alintana ang epekto na dulot ng kanilang pagkakalapit.

Sandaling namayani ang katahimikan sa dalawa.

Wala sa sariling napahawak ang kanyang kanang kamay sa sariling sentido kasunod ng pag-iling at makailang ulit na pagpikit dahil sa di mapaniwalaang reaksyong natanggap mula sa binata.

"Makinig ka. Uulitin ko lahat ng mga sinabi ko...."

Ang dalaga na huminga muna ng malalim bago nagpatuloy

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit sobrang kakaiba ng nararamdaman ko. Yung tipong gusto kitang makasama palagi. Magaan ang pakiramdam ko pag nasa tabi kita, natutuwa ako pag nakikita kang masaya at naiinis ako pag may kasama kang iba. Lalo na pagbabae pa. Hindi ko din alam kung bakit? Pero kabaliwan na siguro para sakin lahat ng mga bagay na naisip kong gawin makuha ko lang ang atensyon mo. Sabihin mo nababaliw na ba ko?!..."

"Lahat na yata ginawa ko para mapansin mo. Kulang nalang magpakatanga ako sayo eh. Ipaliwanag mo naman sakin kung bat ako nagkakaganito! Kasi ako mismo sa sarili ko nalilito na ko!..."

"Nahihirapan na ko."

Mahabang pagsisiwalat nya.

The King of Madison: Meet The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon