It goes like this... :)

68 2 0
                                    

            Laging nandiyan umaalalay at gumagabay lalo na kapag problema’y dama ko na.

            Araw-araw...............................

tuwing papasok: 

         laging unang hinahanap ay siya, na para bang kami ay aso’t pusa kung maiituturing away bati pero hindi rin naman namin matiis ang isa’t-isa,

tuwing recess:  

laging inaantay siya dahil sobrang tagal dahil kailangan niya pang maglagay ng pulbo

pero bakit ganoon, ako ay naiinis....

kasi bababa lang naman upang bumili kailangan pang maglagay ng kung anu-anong mga abubot...

tuwing uwian:

syempre lagi pa rin kaming magkasama walang humpay na inisan, kulitan, asaran at tawanan.

Sa araw-araw na kami ay magkasama

di ko mapaliwanag ang aking nararamdaman

walang humpay na kaligayahan...

Nandiyan siya sinasabayan ako sa anumang bagay

ngumiti,tumawa at sa bawat unus sa aking buhay

nandiyan siya na kinakapitan ko

at sa bawat galaw ko nandiyan siya mistulang "anghel"

gumagabay sa bawat deriksiyon na tinatahak ko...

..............................

Ngunit mayroong iba na hindi ko maipaliwanag

tuwing magkasama kami

bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga pagkakataong ngumingiti siya at aking katabi

wala akong gustong gawin

kungdi ang pagmasdan lamang siya 

pati kapag kausap ko siya napapangiti na lang ako

at hanggang sa pagtulog dala ko ang mga ngiting iyon.........

---------------> Ano nga ba itong nararamdaman ko?

Kaya tinatanung ko ang mga taong na kapaligid sa akin

upang ako ay maliwanagan kung ano nga ba talaga ito.

Pero wala akong napala dahil napagisip-isip ko

mas maayos kung ako mismo ang sasagut sa aking katanungan.

Muli kung tinanung ang aking sarili, Ano nga ba talaga ang aking nararamdaman?

Grrrrrrrrr bakit hindi ako makasagot.

Napaisip ako at biglang pumasok sa isip ko na makakaapekto sa aming dalawa. :( :( :(

Pinabayaan ko na lang muna ang aking nararamdaman....................

            Pero isang araw natauhan ako. Kaya dumiretso ako sa kanya dahil siya lang ang alam kung matatakbuhan ko. Nang makita ko siya ay bigla ko siyang yinakap.

Doon ko na nalaman ang sagot...

PS: I less than 3 you Bestfriend!... (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon