P R O L O G U E
Naglalakad na siya sa hallway ng school nila, nakatungo siya at parang iniiwasan ang mga taong nakapaligid sakanya. Ayaw niya sa atensyon, ayaw niyang may makapansin sakanya, AYAW NIYANG MA-BULLY. So far, wala namang nakapansin sakanya kaya nakapunta siya ng classroom niya ng matiwasay. Pero yun ang akala niya dahil inaabangan pala siya sa classroom nila.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay pinagbabato siya ng mga itlog, may matitigas at may hindi pa luto kaya madumi na ang kaniyang uniporme. Pati salamin niya ay natatakpan na ng dumi at di nagtagal nabasag na, masakit na ang katawan niya pero kaya pa niya at ang lagkit-lagkit na ng buhok niya.
Wala siyang nagawa kundi takasan sila, galit siya sa mga kaklase niya pero takot din siya. Takot siyang masaktan ang mga kaklase niya nang dahil sa kanya. Hindi niya alam, paggalit na pala siya nagsasalita nalang siya ng kung ano tas nakakalabas siya ng apoy pero hindi nila alam iyon. Kaya hanggat maaari lumalayo siya.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi siya naghihiganti sa mga kaklase niya? Ayaw niyang makasakit, ayaw niyang masaktan dahil na-trauma siya dahil pinatay ang mga magulang niya sa mismong harapan niya. Ayaw niyang manakit, ayaw niyang maging masama, ang alam niya lang hindi siya ordinaryo, hindi siya tao, isa siyang HALIMAW.
Umuwi nalang siya sa bahay niya, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil ang dumi at ang lansa pa niya habang naglalakad. Pagkadating niya, padabog niyang binuksan at sinara ang pinto pagkapasok niya. Pinipigilan niya ang galit niya, baka masunog niya ang bahay niya ng wala sa oras.
Dali-dali siyang naghubad ng damit niya at tinapon sa laundry basket ang mga iyon. Dumiretso siya sa banyo at binuhusan ang sarili ng tubig, pampakalma sa kanya. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis agad siya at tinitigan ang sarili sa salamin habang nagpupunas ng kanyang buhok. Kung tutuusin, maganda naman talaga siya kung wala siyang salamin at hindi natatakpan ang mga mata niya ng bangs niya.
Maputi ang kanyang kutis at napakakinis pa, walang bakas ng mga pimple, scar, whiteheads, oil, etc. ang mukha niya. Matanggos ang kanyang ilong at may mahahaba siyang mga pilikmata, mapula-pula ang kanyang labi at pisngi. At kanyang mga mata na mukhang mga diyamante na kumikinang, napakaganda. Nakakahipnotismo, parang ayaw mo ng tanggalin ang mga titig pag nakita niyo ang mga mata niya. Ang mata niya ay may mga kakaibang kulay, may pula, asul, berde, dilaw, dalandan at lila na pinagsama-sama. Tinatakpan ang mata niya ng buhok niyang mahaba at napakalambot.
*kruu*kruu* tunog ng kanyang tiyan, gutom na pala siya, wala sa sariling namula siya at pumunta sa kusinaa niyang maliit. Pagbukas niya sa ref niya, wala ng laman pati mga cabinet doon. Kaya napabuntong hininga nalang siya at pumunta sa kwarto niya at hinanap ang wallet niya. Sa kasamaang palad, bente pesos nalang ang pera niya. Paano niya maikasya yun? Binili niya pala ng mga materyales sa proyekto ang pera niya. Wala pa kasi ang sweldo niya sa kanyang part time job bilang waitress sa isang fast food chain. Ayaw naman niyang mangutang dahil lalaki lang ang utang niya noon.
Wala bang iniwan ang mga magulang niya sa kanya? Meron naman, mga librong hindi niya maintindihan at NAPAKADAMING mga baryang at pera ba yun? Hindi niya alam kung ano ba. Sinubukan na niyang ipapalit sa pesos ngunit hindi tinatanggap ng mga banko kaya wala siyang ibang magawa kundi itago nalang. Uminom nalang siya ng tubig, pampalipas gutom.
Bumalik nalang siya sa school nung lagpas tanghali na. Hindi naman siya na-late sa kanyang afternoon classes dahil pansin niyang wala pa masyadong tao sa classroom nila. Naupo nalang siya sa hulihan katabi ang bintana. Habang nagmuni-muni siya hindi niya napansin ang mga kaklase niya sa likod na binuhusan siya ng tubig na madumi. Napatayo siya at nag-init agad ang ulo dahil kanina lang ay binully siya, wala pa siyang kain, at ngayon ito na naman.
"Wahahaha!! Buti nga sa'yo weirdo!! Hahaha!! Mukha kang basang sisiw—wahahaha!!" sigaw nung leader-leader nang grupong nanggulo sa kanya, parang ningudngud ang mukha nito sa make-up, halos hindi na ito makapagsalita dahil sa tawa, tumatalsik na din ang laway nito. Tawa naman ng tawa ang mga alipores nito. Nagpantig ang tenga niya sa mga narinig. Wala siya sa sariling nagsasalita, hindi na niya alam ang ginagawa niya, gusto niyang tumigil pero parang wala siya sa ulirat.
"Bwahahaha---" ang kaninang tawa ng lahat natahimik, automatic na natikom ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mata nila sa nakikita, ang kaninang nakatungo na babaeng kanilang pinagtawanan ay nanlilisik na ang mga mata, nakita nila ang mga mata nito dahil nakataas ang buhok nito na tila natuyo agad.
Nakita nila ang mukha ng dalaga at namangha sa kagandahan nito pero iba ang kulay ng mga mata nito. Nag-iba ang paligid nila dahil sakanya. Natatakot na sila pero hindi nila maigalaw ang kanilang katawan.
Hindi sila makahanap ng tulong dahil sa wala pang tao at hindi sila makapagsalita't makagalaw para tumakas. Samantalang siya naman ay tila wala sa sarili parang may sumapi sa kanyang ibang katauhan pero alam niyang siya parin ito. Mapupungay ang kanyang mata at bumibigkas ng kusa ang bibig niya ng kung ano-anong seremonyas na hindi nila maintindihan kahit siya hindi.
Nang makita niya ang takot sa mukha ng mga kaklase niya na tila gusto ng maiyak sa takot, nanglambot ang kanyang katawan parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Maya maya'y bumalik sa normal ang paligid, napaupo nalang ang kanyang mga kaklase at napahinga ng malalim. Siya naman ay napatungo nalang tila may malalim na iniisip.
"HALIMAW KA!!" sigaw ng leader ng mga kaklase niya dahil dito nagising siya sa pagmuni-muni. Gusto niyang maiyak pero ayaw niyang kaawan siya. Kaya pinatili niyang blanko ang mukha niya. Pagkatapos nitong sumigaw agad itong lumabas at kumaripas ng takbo.
Iisa nalang naisipan niya ngayon ang lumayas, magpakalayo sa mga tao dahil siguradong kakalat ito at tatawagin siyang halimaw, WORSE ipapatay pa siya. Kinuha niya ang bag niya at hinanap ang iisang librong ginalaw niya sa mga gamit ng kanyang mga magulang na may pamagat na Auramus Wing, hindi niya alam pero yun nalang kinuha niya agad. Binuklat niya ito at binasa ang isang stanza doon.
"Et incarnatus est de spiritu, Rogant me est, domum me" basa niya dito at di naglaon pinalibutan siya ng hangin. Lumilipad na din ang mga papel, notebook, libro, at ballpen sa paligid at sa isang iglap nawala nalang siya bigla.
"Nandito ang halimaw!!" sigaw nung leader sa pagitan ng kanyang hininga na tila nauubusan ng hininga dahil sa kakatakbo. Natigilan naman siya pagkakita niya sa silid na wala ng tao, para itong dinaanan ng bagyo. Sumunod ang mga alipores nito, ang mga guro na hinihingal din at ilan na mga estudyanteng naki-usisa. Pagkakita nila nagulat sila sa itsura ng paligid wala namang halimaw, binalingan agad ng mga guro ang nagsasabing may halimaw daw at pinagalitan ang mga ito. Wala nalang reklamo ang grupo dahil ayaw nilang ipatawag ang kanilang mga magulang. Ang pinagtataka lang ng grupo ay kung saan nagpunta ang sinasabi nilang halimaw, na si Alexa Genesis Seveir...
---
A/N: Prologue palang 'to guys!! Vote and comment pag nagustuhan niyo!! thanks!! LABYA GUYS! First time kung sumulat ng Fantasy genre kaya sana mabigyan ng oras na basahin ang gawa ko.
pag nagustuhan niyo VOTE
pag may masasabi kayo COMMENT
Thank you po!! mwah!! hahaha! ... signing in...-Kate
BINABASA MO ANG
Sacred Hollow Academy: School Of Wizards
FantasySacred Hollow Academy, ang paaralang matagal ng nawawala. Pero di natin alam na hanggang ngayon pala ay may nag-aaral pa pala dito, ang mga batang Wizards na nag-aaral ng MAHIKA. Tara't subaybayan ang mga buhay ng mga Wizards doon. --- Alexa Genesis...