"Alam mo Rika-""Hindi!"
Napasimangot na lang ako bang putulin nya ang sasabihin ko. Kahit kailan talaga oo, pilosopo. Hmp.
Nandito kami ngayon sa kwarto namin at nag-iimpake ng gamit. Nalaman na rin kasi namin kani-kanina lang ang schedule kung kailan kami lalabas. At sa kasamaang palad, kasali ako sa first three na lalabas bukas ng alas otso. Hindi ko kilala ang makakasabay ko. Si Rika naman, alas diyes lalabas ng school.
" Ano ba yan! Hanggang ngayon ba naman susungitan mo pa rin ako? Maghihiwalay na nga tayo ng landas, di ka pa rin nagbabago." Reklamo ko habang chenecheck kung nasa maleta ko na ba lahat ng kakailanganin ko. Mahirap na at baka kukulangin ako sa gamit. " Kating-kati na kaya ang dila Kong magtanong sayo." Bulong ko pero Alam Kong rinig nya. Hehe
"Tsk. Fine! Magtanong ka na. Di yung bubulung- bulong ka pa pero rinig ko naman."
Napangiti naman ako ng tagumpay nang marinig ang sinabi nya. Hehe. At last! Makapagtanong na rin.
"Bakit-"
"Isang tanong lang."
Napanguso naman ako sa sinabi nya. Ang damot! Nakita nya na nakanguso ako pagkaharap nya sa akin. Umirap lang sya saka itinuloy ang pag-aayos ng gamit.
" Fine! Oo na! Magtanong ka na at sasagutin ko. Bilisan mo at baka magbago ang isip ko."
Napa- yes na lang ako.hehe
Sa wakas."Bakit ka napunta dito?"
" Next question please."
"Ano ba yan! Fine! May kasalanan ka ba kaya ka ipinasok dito?"
"I'm sorry but I don't have any idea."
"Ang daya! Ito na, last na. Ano ba ang buong pangalan mo?" Kung bakit ko natanong? Dahil gusto Kong malaman ang buong pangalan nya. Nickname lang kasi ang Alam namin sa isa't isa. Bawal daw kasi gamitin ang buong pangalan.
"I forgot."
Haiiizzzt. Suko na ako. Mukhang ayaw nya talaga.
" Ang labo mo."
Nakasimangot Kong reklamo bago tuluyang humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.
" May isang high school student na popular bilang isang peace maker. Ngunit nang dahil sa inggit ng ilan, sinet-up sya. Napagbintangan at ipinatapon. The end."
Natahimik ako sa kinuwento nya. Kahit di nya binanggit ang pangalan ng babae, Alam ko namang sarili nya ang tinutukoy. Nanatili lang akong nakahiga habang nakataklob ng kumot. Inaabsorb ang sinabi nya.
Nakarinig ako ng pagbukas at muling pagsara ng pinto. Mukhang lumabas sya. Kung iisipin, halos magkapareho lang kami- parehong nabaliktad.
Bukas na ako lalabas. At di malabong makita ko sila ulit. Maliit lang naman ang mundo eh. Hindi mo hawak ang oras at pagkakataon. Kahit anong iwas mo, makakasalubong mo talaga ang mga taong kinalimutan mo na. Ang mga taong minsan nang naging parte ng iyong buhay sa nakaraan.
Tunog lang ng takong na suot Kong heels ang maririnig habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang office ng founder ng school. Doon ko daw makikita ang agent na makakasama ko na siya ring susundo sa akin ngayon. Dalangin ko na sana naman mabait at Hindi masyadong strikto. Sana.
Nang makarating sa mismong harap ng office ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Kaya mo to, Quin." Bulong ko sa aking sarili.
"Come in."
Agad Kong pinihit ang doorknob at pumasok. Tumambad sa akin ang nakaupong so Mr. Hiroki Nakamura, ang founder ng school. Sa pangalan pa lang, mahuhulaan mo agad na isa syang hapon. Kaharap nya ang isang lalaking di nalalayo sa edad ko. Nakatalikod sya sa akin kaya di ko pa nakikita ang mukha. Mukhang sya ang magiging mentor ko.
BINABASA MO ANG
Stalwart High " The Famous Quiny Valle""
Acción"Love doesn't mean corrections, it is acceptance itself." Quiny Valle was set-up ,raped, and thrown to the mysterious school of Stalwart High- a front of a secret organization na tumutulong sa mga otoridad sa paghuli ng maimpluwensyang kriminal. But...