When She Met A Handsome Face..

23 4 0
                                    

Note: () Means POV so Don't get confused.. Ayaw kasi gumana ng Italic and Bold Effect eh.. PAsaway...

+++++++++++++++++++++

Mukha talagang pinag-iinitan si Kylie ng mga classmates niya, teka.. anong mukha? Pinag-iinitan talaga! Lalo na si Jaimie. Pagkatapos kasi ng klase...

"Kylie."

Hindi pa man siya nililingon ni Kylie, binagsak na niya agad sa desk ang sandamakmak na school works nila sa buong araw.

"Teka, ano 'to?"

"Papers bulag ka? Ihatid mo sa adviser natin. Nasa faculty siya ngayon bilisan mo." utos ni Jaimie sa kanya. napakunot noo siya.

"Bakit ako? Ikaw ang inutusan ahh."

"Who cares? Basta dalhin mo na yan or else, ikaw ang sisisihin ng mga classmates natin pag nawala yan. Go, ugly brat." Nginisian pa siya nito bago siya iwanan.

"Awful Wicked Witch! Walang 'yang 'to. Dahil lang sa excursion lumabas na ang ugali. Kala niya siguro may mapapala siya sa kin kung didikit siya. Oh gosh! Sana pala di ko na pinauna si Nyca. Mabigat - bigat pala to. Bad trip talaga, antay ka lang mahahanap ko rin si Eye Monster."

Lumabas si Kylie ng room nila. Hirap na hirap siyang buhatin ang mga papers nila. Halos hindi na rin kasi niya makita ang dinadaanan niya. When she reached the corner papuntang corridor, nasagi pa niya yung pader. Result? Expected na.. nagkagulo - gulo ang mga papers nila.

"What the heck! Hay naman kahit kailan talaga Kylie..."

"Lampa ka."

"(Nod Nod..)Tama." Pinulot na niya ang mga schoolworks nila. Teka parang may mali?.. " T..teka, lines ko yun ah? Si..."

"Ang careless mo talaga. Minsan nga, mag-vitamins ka, baka makatulong. Naghahanap ka lang ng ikahihirap mo." Napatingin siya sa harapan niya, kaya naman pala.. si Christian pala, naglalakad ;ang naman papunta sa kanya. inismiran na lang niya ito,.

"Aksidente kaya yung nangyari. Wala kang alam noh."

"Sus aksidente. Then how can you explain those previous happenings existed same as what happened right now? Aksidente rin? Parang di ako maniniwala."

" Edi wag! Kailangan ko ng opinion mo? Kung hindi pala aksidente ano?!"

" Katangahan. Clumsy mo eh. Yan na patunay." Napakabwisit talaga nito. Ang sarap ibaon sa lupa!

Nagulat si Kylie nang hindi manlang huminto si Christian para tulungan siya. nagpatuloy lang sa paglalakad.

"H..hoy! Hindi mo man lang ako tutulungan? Nakita mo na nga kong ganito!"

"Bahala ka dyan. After all, it's your fault. Hindi ka injured para tulungan. And who told you na tutulungan kita? Dream on sweetheart."

" Hoy Masamang Pustiso! Bumalik ka dito! Bakla!"

Tuloy - tuloy lang naglakad si Christian. hindi na talaga niya nilingon si Kylie. Napabuntong - hininga na lang tuloy ang kawawa. Epal talaga. Nagpulot na lang uli siya ng papel.

"How rude of him."

Dahan - dahan napahinto si Kylie. Pati pagtingala slow mo na rin para lang makita ang medyo katangkarang lalaki.. sige na nga matangkad na, nakatingin lang siya kay Christian. Pagkatapos biglang naming tumingin sa kanya.

"Ay palakang tiktik!"

Natawa sa kanya ang lalaki lalo na ng mapaupo siya sa pagkagulat. Natawa kasi late reaction yung ginawa niya? Eh sa paglingon naman kasi siya nagulat eh. Umupo na rin ito sa harap niya. Wala. Nganga. Parang natigilan si Kylie ng makita ang nasa harapan niya. Nakangiti lang ito sa kanya.

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon