The Racer's Love: CH 1

4.9K 126 40
                                    

"Jason! Jason! Jason! Jason!" Yan lang ang tanging naririnig sa Clark International Speedway. Kasalukuyang may practice game ang Flashbacks Autohaus team na kinabibilangan ng 5-time Toyota Vios Cup Champion na si Jason at ng 2-time Philippine Motorsports Champion at girlfriend nitong si Rhian kasama ang tatlo pang racers na sina Kenneth, Reuven, at Carlos. Naghahanda ang grupo para sa nalalapit na 2018 Philminiracers Classic Mini Championship na gaganapin next month.

"And there you go mga kaibigan! Jason did it again! I guess he will be unstoppable na naman sa race track next month! Whoooo!" Announcer

Pagkatapos ng practice game ay diretso na silang kumain ng agahan sa isang restaurant malapit lang sa speedway.

"Going for your 6th championship title bro?" Si Carlos.

"Definitely! And of course we'll make sure na our group pa rin will emerge as champion for this year. Right Boo?"

"Of course Boo! Congrats on your win earlier."

"Thank you Boo. You too congrats. You are really getting faster each year Boo. Muntik mo na kong matalo earlier huh! You also go for your 3rd title, okay?"

"Saan pa ba magmamana eh di sa champion at supportive na boyfriend diba?" Si Reuven.

"Alright Boo! I will! You'll see."

"Bro, I heard may bago dawng grupo na nagparegister ah aside dun sa known teams na. Composed of three girls, mga baguhan sa racing. No experience recorded yet based sa naresearch ko." Si Kenneth

"Their names?" Si Jason na nag-aastang leader na naman.

"Katrina, Chynna, Glaiza"

"Am I supposed to be threatened?" Si Jason

"I don't know. They're gaining fans. Huge fans! People are talking about them kahit saan."

"Don't worry about it. They're just newbies. They don't stand a chance." Pagmamayabang ni Jason na parang wala lang sa kanya.

"That's the point. Newbies sila plus we don't know anything about them."

"They're just girls. Nothing to worry about." Medyo na offend si Rhian sa sinabi ng boyfriend pero ayaw nyang magtalo pa sila kaya hinayaan nalang nya.

Araw ng competition. . .

Malakas ang hiyawan ng mga fans ng dumating ang grupo nila Jason. Kaway dito, kaway doon naman ang ginawa nya habang naglalakad sila sa track papunta sa quarters nila. Nagtaas pa ito ng anim na daliri to sign ng pang anim na championship nya at sinisiguradong mananalo ulit sya. Kakarating lang nila sa quarters nila nung naghiyawan ulit ang mga tao. Laking gulat nila ng makita ang tatlong nakaitim at nakatalukbong na tao.

Nakatayo ang mga ito sa entrance ng track. Halos magkagulo ang mga fans makita at mapicturan lang sila.

"Who the f*ck are those three?" Naiinis na sabi ni Jason.

"Sila yung sinabi ko sayo, yung mga baguhan. Newbies sila pero ang lakas ng hatak nila sa tao." Si Kenneth

Patuloy ang pagwawala ng mga fans. Nagsimula ng maglakad sa track ang tatlong nakatalukbong papunta sa quarters nila.

Ng mapadaan sila sa quarters nila Jason. . .

"Wow! Ang daming fans ah! For sure madami ding madidisappoint pag natalo ang mga yan!" Pagpaparinig ni Jason sa tatlo. Hindi naman sya pinansin ng tatlo at nagpatuloy lang maglakad. Mas lalo namang nainis si Jason.

"Madami ngang fans wala namang binatbat! Mga babaeng baguhan sa racing na kung umasta parang mga hari! Let's see anong masasabi ng mga fans nyo pag pinakain ko kayo ng alikabok mamaya! Hahaha"

RASTRO: A Collection Of Short StoriesWhere stories live. Discover now