UD for today! Mababa ang number of readers sa previous chapter ah? :)) Busy na kayo siguro sa ibang stories. Hehe. Okay lang yun! Hope you'll still find time to read HDHA. ☺
============================================================
TWENTY-FOUR
Cousin Or Girlfriend
LUIGI'S POV
Shit. Ang awkward. Nakakahiya kay Manang Julie ang nakita niya kanina. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Damnit.
"Jusmiyo marimar! Kayung dalawa. Umamin na nga kamo sa akon! Magshuta kayu nuh?" tanong ni manang. Napahimas na lang ako sa batok ko. Kasalukuyang nakaupong chinese kami ni Eva sa carpet habang si mamang ay nakatayo sa harap namin, nanenermon. "Ay jusko mga bata kamu! Kahit yaya nyu aku, indi pwide sa akon ang inyong gin himo. Hi--"
"Ano po, manang?" malumanay na tanong ni Eva. Paano, hindi naman namin maintindihan sinasabi ni manang. Ganyan yan eh, nagbibisaya para di namin maintindihan. Then how are we supposed to know what she's saying?
"Cutie?! Sabi ku, hindi pwidi sa akin na mag-ganun kayu." sagot ni manang sa tonong bisaya.
"Eh, manang. Siya naman nag-umpisa eh! Ni-wwrestling nya ako."
"Ano? Sinisisi mo pa ako?!" Nagsasagutan na naman kaming dalawa ng babaeng to! Badtrip. She's annoying.
"Hep! Hep! Hep! Umamin na lang kasi kayu..." biglang malambing na boses ni manang "May boyprend-girlprend kamo nuh?" Umiling-iling ako.
"Manang, hindi po. Nag-away lang talaga kaming dalawa dahil sa KASALANAN NYA." sagot ko. That's the truth! Totoo naman diba? Tss.
"A--" tinakpan ko ang bibig nya bago pa man sya magsalita. "Hm Hm Hm Hm." Ang tigas ng ulo!
"Pwede ba? Wag ka na sumagot?" pakiusap ko. Dahan-dahan ko ng inalis ang kamay ko sa bibig nya. Ayun, di na nga sya nagsalita pa.
"Osha, sigi na. Kaon na kamo sa baba. At ako'y maglilinis ng kwartu nyu! Gu, gu lab birds! Gu!" Yeah, right. Nang-aasar pa si manang Julie. Tumayo na kami ni Eva at bumaba. Nung sa may hagdan na kami inunahan nya pa ako bumaba. Ang sama pa ng tingin nya sa akin. Wow ha? Siya naman nag-umpisa nito. Kung hindi nya sana ako ginulat, di aabot sa ganun. Aish! Istorbo.
"Woooooooooow! Fried chicken and egg. My favorite." tuwang-tuwa nyang sabi pagkakita nya ng ulam. Pumapalak-palakpak pa sya.
"Tss. Favorite? Eh ngayon lang naman naghanda ng fried chicken." kontra ko sa kanya. Sumimangot sya at inirapan ako.
Pagkaupo ko, sinunggaban ko na agad ang pagkain. Susubo na sana ako nang bigla nya akong pinigilan...hinawakan nya ang kamay ko. "Oh, Ser! Magpray ka muna bago kumain. Ok? Oh, pikit." Bumitaw sya't nagdasal.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...