CHAPTER 1 - TADHANA

136 3 2
                                    

Kinamumuhian ko ang mga taong kagaya niya. Walang hiyang nakikipaglampungan sa loob ng eskwelahan.

Isang taon nang lumipas noong nakita ko iyon.

Ngayon ang unang araw ng pasukan, papunta akong school nagagalak ngunit may habol na kaba sa dibdib.

Umupo ako sa gitna, ito ang paborito kong posisyon dahil nakikita ko ang buong pisara.

Nagsidatingan na ang lahat at umingay na ang classroom nainis ako huminga nang malalim at napaisip na unang araw naman ito, may kumalabit sa akin at talagang kinalibutan ako.   

“Oy!”

“O?” Gulat na gulat ako nito pero ito lang ang lumabas sa bibig ko,ayoko kasi magpakita ng kahinaan, o magpakita nang emosyon, o sa mabilis na salita ayoko nakiki halubilo sa mga tao. Lahat ng mga ngiti nakikita ko alam ko puros plastikan,dahil kapag nakatalikod ang mga iyan iba na ang mga sinasabi, mapalinlang.Hindi ko na pinansin yung taong tumawag sa akin.

Ang mga taong ganyan hindi ko sila maintindihan.

7:30 na at tumunog na ang bell nagsi-upuan na kami dahil dadating na ang guro.

Inayos ko ang mga aklat ko at narinig ko silang bumati “Good morning Sir”

Ah, lalaki.. lalaki ang adviser, nawala ang gana ko at mas lalo pa nawala ng nakita ko ang pagmumukha niya.

Namumukaan ko siya at bigla bumalik ang alaala, SIYA ANG WALANG HIYANG NAKIKIPAGHALIKAN.

 

Teacher pa siya? Niloloko mo ba ako?

 

END

hey! sana nagustuhan niyo :) "ANO KAYA ANG MANGYAYARI ngayon nakita niya uli ang taong pinakamumuhian niya at magiging guro niya pa?"  

TADHANA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon