Nandito na naman ako sa labas ng bahay namin at nag mumuni-muni. Sabi pa ng ate ko. nag eemo daw ako.Well, siguro. Oo nga. Nag re reminisce sa nakaraan. Di ko kasing mapigilang mag isip sa mga nangyari noon. Siguro ganoon talaga basta first love. Ang hirap kalimutan.
Ako nga pala si Zyne Morales. 20 years old. Kakagraduate ko lang ng college. At eto na naman ako. Nag iisip sa nakaraan. Iniisip ko lang naman si Seath Villaruel. Ang first love ko. Ang hirap kalimutan ng mokong na yun.
~~~
8 Years old ako nun. Ng makilala ko si Seath. Transferee siya sa school namin. Hindi talaga kami mag friends noon. Away bati kami. Kung sabihin nga ng mga kaklase namin. Aso't Pusa daw kami. Lagi nga kaming tinutukso nun. Pero wala lang sakin. Mga bata pa kami nun eh. Hindi ko nalang pinapansin mga tuksuhan nun. Hanggang sa nagkasakitan na talaga kami ng dahil sa pag aaway namin. At doon ko nalaman na hindi naman pala siya ganun ka sama. Mabait din naman pala siya. At doon na kami nag click. Naging magkaibigan kami. Close friends kumbaga. Pero di parin nawawala ang asaran. Di na kami magiging si Zyne at Seath kung walang asaran. Nakakapanibago yun. Natapos ang school year ng magkaibigan kami.
Nung pasukan na naman, diko akalain na mag kaklase kami ulit. Puno na naman ng asaran at siyempre mga magagandang memorya. Nagiging crush ko na siya ng mga panahon na yun. Kasi ang sweet niya sakin. Tapos bigay ng bigay ng kahit ano. May mga times lang talaga na nakakaasar siya. Sarap ipakain sa buwaya. Isang araw nun, nag aasaran kami, nag aaway tapos may isang kaklase ko na nagsabi na crush daw ako ni Seath tapos ng malaman ko yun. Siyempre shock ako nun. Hahaha. Ikaw ba naman crush ka ng crush mo. Diba ang saya? Kahit Elementary pa kami nun. Siyempre my crush na din kami noh. Kahit bata pa lang. Tapos yung friend ko din sinabi niya kay Seath na crush ko din daw siya. Ayun nagkabistuhan kami. Pero away pa rin kami ng away. Pero kahit ganun. Kinikilig pa rin ako. Isang araw nun binigyan ba naman ako ng barbie doll. Para daw yun sakin. WAAAAAH ! Diko nga dapat kukunin yun. Pero ang kulit kulit, pero kinilig talaga ako nun. Kaya ayun,tinago ko. Nung December ng taon na yun,nagtampo siya sakin. Kasi nakalimutan ko birthday niya. Kaya ayun, nagtatampo di ako pinapansin. Kaya bumawi ako sa kanya,kinabukasan nun. May binigay ako sa kanya,kwintas yun. Parang couple necklace. Heart ang design nun. Nasa akin ang isa at na sakanya din naman ang isa. Mabuti nalang at natuwa din naman siya. Magkaibigan pa rin kami nun.
Sa pasukan grade 5 na kami nun. Tapos summer that time. Tinext niya ako kasi may ibibigay daw siya sakin. Kaya nakipagkita ako sa kanya sa school. Binigyan niya ako ng necklace,tinago ko rin yun. Nung pasukan naman. Same routine parin kami. Kulitan,asaran,bangayan. Pero sa di malamang kadahilan. Nag away kami nun. Diko alam anong nangyari samin. Basta nag away kami at di na kami nagpapansinan. Biruan lang naman yun pero ayun nagkasakitan na. Di na naging maganda ang pagkakaibigan namin. Di na talaga kami nag papansinan. At ang nakakainis pa lagi kaming magkasama sa iisang group,kaya ang kalabasan lagi kaming nag aaway. Natapos ang school year na yun at di parin kami nag papansinan.
Graduating na kami sa Elementary. Masaya siyempre kasi mag ha high school na kami. Di pa rin kami nagpapansina ni Seath. Pero di narin tulad ng dati. Minsan kasi nag ngingitian nalang kami. Tapos nung one time napansin kami ng kaklase namin at balik tuksuan na naman. Parang bumalik lang kami sa dati na nag aasaran. Mas okay na yun kesa hindi kami nagpapansinan. May time nun na umalis si Seath kasi mag ka camping sila,sumali kasi siya sa boyscout. Pagbalik niya dito,dinalhan niya ako ng pasalubong. Tapos balik ulit kami sa dati. Parang si Tom & Jerry lang. Pero nakakatuwa. Graduation na namin nun akala ko dun na magtatapos ang lahat. Kasi wala ng Seath sa buhay ko dahil ga graduate na talaga ako ng Elementary. Ang meron nalang sakin ay ang mga memories na napagdaanan namin. Yung mga kilig moments, mga away bati moments namin. E tre treasure ko talaga yun. For Sure. Hinding hindi ko yun makakalimutan.
Nung nag high school ako, akala ko makakamove on na ako. Yung diko na siya magiging crush. Kasi akala ko simpleng puppy love lang yun. Kaya wala lang sakin.Pero yun ang akala ko. Akala ko wala ng Seath na gugulo sa buhay ko pero dun ako nagkakamali. Kasi nung nag reunion kami akala ko diko na siya crush,pero nakakainis lang.Hanggang ngayon siya parin.Akala ko dati simpleng puppy love lang pero mali na naman ako. Lunod na lunod na pala ako sakanya. Tapos ang masakit pa nun may iba na pala siyang mahal. Nagbabangayan pa rin naman kami pero di na tulad ng dati kasi nandun ang gf niya. Naka graduate din ako ng matiwasay sa high school na tinatago pa rin ang nararamdaman.
Nung nag college ako, wala pa ring nagbago. Siya pa rin talaga. Nung mga panahon na may reunion kami. Di ako makadalo kasi busy talaga. Lalong lalo na sa OJT. Kaya matagal na kaming di nagkikita. Naka graduate ako ng college na hindi pa rin ako nakakasali sa reunion namin. Pero okay lang naman,dahil sisikapin kong dumalo sa susunod na reunion.
Nung sa next reunion namin nakadalo ako. Tapos nagkita kami dun. Akala ko may dala na naman siyang babae. Mabuti nalang at wala. Okay pa rin naman kami. Same sa dating routine. Bangayan to the max. Asaran. Yung mga kaklase ko naman todo asaran na naman. Pero sa totoo lang. Nakakamiss rin pala.
~~~
Nakakamiss pala siya. Nung pagkakita namin siya pa rin pala. Siguro eto na na ang time para mag move on na talaga. Di ko naman alam kong ano talaga ako sa kanya. Kaya dapat na talaga akong mag move on. Zyne! Kaya mo yan. Hwaiting !!
"HOOOOY ! ZYNEEEE ~~ YOUR SPACING OUT AGAIN. NAG EEMO KA NA NAMAN JAN NO? HAHAHAHA!"
Ate ko yang nagsalita. Baliw talaga yan.
"OO NA PO. Umalis ka na nga jan Ate"
"HHAHAHAHA. Oo na. Bye Seath" *winks*
Napapailing na lang ako sa Ate ko. Baliw talaga. Haaayyss~~
Muli akong tumingin sa langit. Nangingiti nalang ako ng maalala ko yun. Yung mga memories namin :) Yung memories nung Elementary :) Yung mga bangayan namin at asaran. Yung mga gift namin sa isa't isa. At least naitago ko pa yun. At siyempre hinding hindi ko siya makakalimutan :)
END ~~
-------------
WAAAAAAAAAAH ! Diko akalain na nakatapos ulit ako ng isang story ! HAHAHAHAHA ! WAAAAAAAAAAAH ! OKAY! ILALABAS KO LANG ANG FEELS KO!! :DD dahil sa nakatapos ako ng isang story. HAHAHAHa . WAAAAAAAAAAAAAAAAH