The things i hate about you

24 1 0
                                    

im cara madrigal, ordinaryong teenager, masayahing tao, at may isa akong lalaking ginugusto si Pin.

alam kong wala syang interes sakin mula noon. nung nagkaroon nga kami ng outing, dapat ka tabi ko sya sa van, pero nakipag palit sya kay george. hindi naman ako mabaho naliligo naman ako araw araw,  wala naman akong body odor. pero lumipat parin sya ng upuan.

saming anim na mag babarkada, ako lang ang hindi nya masyadong kinakausap, sa school kapag partners kami, kakausapin nya lang ako kapag importante.

dumating nga yung araw na, nag lalakad kami papuntang canteen, nasa likod sya ni melissa isa kong kabarkada, napansin kong wala syang kasabay mag lakad kaya naman dinaluhan ko sya at sumabay sakanya, pero tumigil sya at pinauna ako.

napakailap nya sakin, nalulungkot ako tuwing umiiwas sya. tinatanong ko minsan sa mga kabarkada ko kung masaya bang kausap si pin, sagot naman nila, 'madaming kwento si pin at napaka sarap nyang kausap hindi ka mabobore.'

naiinggit ako sa mga nakakausap nya, sana magkaroon ng pagkakataon, na kausapin nya rin ako tulad ng sa iba.

naiintindihan ko naman kung bakit sya mailap sakin, lahat ng dinadamdam ko sakanya, lagi kong tinatago.

pero may pakakataon na nasaktan talaga ako.

naiintindihan ko kung bakit ayaw nyang tumabi sakin sa van, marahil mas kumportable sya sa likod. naiintindihan ko rin kung bakit ayaw nya kong kasabay mag lakad, siguro gusto nya lang muna mapag isa sa araw na yun. naiintindihan ko rin kung bakit di nya ko madalas kausapin, siguro dahil hindi nya ko ganun ka close,

pero hindi ko maintindihan yung time na galing kami sa isang gathering at pinasabay ako ng barkada sa kotse ni pin.

masaya ako nun dahil nagkaroon kami ng oras para saming dalawa lang, mas lalo akong naging masya nang pumayag sya.

uupo na sana ako sa shotgun seat, nang sinabihan nya kong....

" dun ka nalang sa likod"

nagulat ako, pero mas nangibabaw sakin ang lungkot, ganun nalang ba nya ko kaayaw katabi? ganun nalang ba nya ko iniiwasan?

ang tagal kong kinimkim pero ang sakit sakit na, kaya tumungo ako sa likod at dun umupo. nangingilid na yung luha ko habang nag mamaneho sya.

kaya pumikit nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

At ngayon, nandito kami ngayon sa klase namin. esp ang topic namin ngayon. pinapagawa kami ng tula o kwento, nuon daw kase mahilig ang mga ninuno natin sa mga sulat.

this time gagawa kami ngayon ng tula or kwento tungkol sa mga taong gusto natin sabihin ang mga hinanakit natin, mga bagay na di natin masabi sakanila.

pagkatapos naming magsulat isa isa kaming pinapunta sa harap para ibahagi ang aming tula o kwento.

at ang napili ko ay pagtula.

" I hate how i loved you, I hate how I felt

  I hate how I was so stupid,I hate that I fell.

   I hate the way you not talking to me, I hate that im still wanting you.

  I hate that you hate me, I hate that I love you.

napaiyak ako ng sabihin ko ang mga katagang yun.

nakatingin lang ako kay pin, pero nakayuko lang sya. at mas lalo akong napaiyak.

i hate how i still care,but most of all i hate that you dont know what i mean.

If only I had been alert ,then it would not have hurt.

I feel rejection, I feel im not enough, i feel so nothing. it feels so hard

I was afraid to tell you that this is the  things i hate about you."

nagpunas ako ng luha at umupo sa upuan ko.. hindi ko na mapigilan yung emosyon ko, for 2 years kasing mag kakaibigan kami, ganun din katagal akong nag kagusto kay pin.

tumahan ako, at nakinig sa mga kwento at tula na ginawa ng iba ko pang mga kaklase, hanggang turn na ni pin.

kwento ang napili nya.

" may isang babae, nung nag kakilala kami,  naramdaman ko na agad yung para syang isang babasaging bagay na kaylangan ingatan at alagaan. kahit gustong gusto ko syang alagaan at ingatan hindi ko magawa, unang una dahil natotorpe ako, pangalawa dahil mag kaibigan kami, at pangatlo. parang  isa akong pating at isa syang magandang babae, parang hindi kami dapat para sa isa't isa. at dahil pinipigilan ko ang mapalapit sakanya, pinilit kong hindi man lang sya kausapin, hindi man lang sya tabihan o kibuin. kahit mahirap ginawa ko, okay na sakin yun, okay na sakin ang mag kaibigan lang kami.

dumating yung time na nag karoon kami ng outing, at ako ang makakatabi nya sa van, pero nakipag palit ako sa isa naming kabarkada, nakipag palit ako, hindi dahil ayaw ko syang katabi, kundi gusto ko sya lagi nakikita o nababantayan, yung pwesto kase sa likod sapat na para makita mo sya kung ayos ang upo nya, kung kumportable ba sya.

nung naglalakad naman kaming mag babarkada sa corridor papuntang canteen, sumabay sya sakin sa pag lalakad. huminto ako at pinauna na sya, mahirap kase syang masulyapan kapag nasa gilid ko sya, kaya kahit nakatalikod sya, ayos na ko.

nung naimbitahan kami sa isang gathering, napagkasunduan ng barkada na sakin sya sumabay. natuwa ako dahil mag kakaroon kami ng oras para saming dalawa lang.

sasakay sana sya sa shotgun seat, pero pinaupo ko sya sa backseat.

hindi dahil ayoko nanaman syang makatabi, kundi gusto kong maging ligtas sya sa pag uwi nya, baka kase habang nasa sasakyan ko sya at kaming dalawa lang, baka bigla akong atakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, baka madisgrasya pa kami.

all this time sya lang naman ang iniisip ko. pero hindi ko alam na mutual na pala ang feelings, kaya sana....  ....

blink ....

blink ....

blink ....

sana cara, sana patawarin mo ko,kung hindi man kita pinapansin nuon, kung feeling mo, hindi ako naging kaibigan sayo.

dahil hindi naman talaga, dahil nuon pa man, hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo.

pagkatapos nyang mag kwento nang ganun.  para akong naging isang maliit na nilalang, dahil all this time, ako lang pala,

ako lang pala ang iniisip nya..

END :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The things i hate about youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon