Para Lang Sayo ..

141 1 2
  • Dedicated kay Ji Yeon
                                    

Naranasan mo na bang magmahal at ibigay ang buong oras at buhay mo para sa taong minahal mo?

Yung tipong antagal na ng relationship niyo kaya akala mo kayo na talaga. Umasa ka kay FOREVER at PROMISES, naniwala ka kay LIES at tinalikuran mo si TRUTH para lang sa kanya.

Pero hindi mo inaakala na sa haba ng panahon na kasama mo siya, yun din yung haba ng panahon na niloloko ka niya, kaya in the end nasaktan ka.

kinalimutan mo na yung existence nila promises at forever, nagalit ka kay lies at gusto mong ibalik ang panahon kung kailan tinalikuran mo si truth.

Pero sabi nga nila diba, EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. Sabi nga ni POPOY sa ONE MORE CHANCE, "Di ba, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin ng lahat ng mali sa buhay natin."

Sabi din nila, pag may nawala, may panibagong darating. Pero paano kung yung taong yun eh napaaga ng dating? yung tipong dumating siya nung hindi ka pa fully recover, pero anjan parin siya willing to love you, to protect you and accept you without hesitation, kaso hindi ka pa ready.

At sa sobrang tagal ng pag-aantay niya sayo, kung kelan ready ka ng mahalin din siya, saka naman siya napagod at naghanap ng iba or lets say saka naman siya bumalik sa DATI niya. Di mo siya masusumbatan kase kasalanan mo naman.

Anong gagawin mo, will you fight for him/her para lang di ka na masaktan ulit O magpapaubaya ka dahil alm mong hindi naman talaga siya sayo nung una pa?

napaka-Ironic ng buhay kaya dapat matuto tayong makisabay.

*Chapter One*

"Yvonne?" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Si Iya.

"ha?" tanong ko.

Iya Rolled her eyes, "hay naku Yvonne. Kanina pa ko nagsasalita, di ka pala nakikinig, my goodness!" napatapik pa ito sa noo niya.

Napakamot-ulo ako, "S-sorry.."

"ano na naman bang problema mo? nag-away na naman ba kayo ni Carlo?" usisa niya.

Iniwas ko ang tingin ko kay Iya, "Ano yung sinabi mo kanina?" pagpapalit ko ng topic.

Iniangat ni Iya ang mukha ko at pilit na pinahaharap sa kanya, "Yvonne, yung tanong ko ngayon ang sagutin mo"

I fake a smile, "wala Iya, hindi kami nag-away"

napataas ito ng kilay, "sows, eh parang galing sa ilong yang sagot mo eh. Ano na naman ang problema niyo? kababati niyo lang 2 days ago ah?"

Mariin akong napapikit saka muling dumilat. I sighed, "nasakin ata ang problema eh"

"Of course not!" mabilis na kontra ni Iya sa akin. "I know you, hindi ka magkakaganyan kung hindi gag* yang boyfriend mo. So tell me, anong meron?" nangalumbaba pa ito sa desk na para bang nag-aantay talaga ng kwento.

"chillax Iya, ako nga relax lang eh" sabi ko na pilit ngumiti.

"onga eh, sa sobrang relax mo napapatulala ka na jan"

"mabuti pa kumaen na tayo. Vacant na, baka maabutan pa tayo ng next subject" aya ko sa kanya. tumayo ako, "tara na"

tumayo na rin si Iya, "alright! but you owe me a story huh?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Lang Sayo ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon