Prologue

52 0 1
                                    

Prologue:

" Carl! pano tayo makakaalis dito? Kapag hindi pa tayo nakaalis dito sa lalong madaling panahon kakainin din atyo ng mga halimaw na to " sigaw Kier.

" Panaginip lang to diba kuya? Kuya? " tanong ng isang lalaki.

At tumakbo palabas ng gym na hindi man lang lumilingon dahil sa sobrang takot sila Keirl at Adam.

" Anong plano mo Kier?! " tanong ni Adam.

" Sasabihin ko sa mga prof ang nangyari sa gym pagkatapos babalik na ako sa dorm natin! " tugon ni Kier.

" Para namang matutulungan tayo ng mga prof natin sa mga nangyayari ngayon?! May P.E. teacher na sa gym pero wala parin siyang nagawa, naging pagkain lang siya ng halimaw na nasa gym! " sabi ni Adam.

" Pero Adam hindi ko na alam ang- " ang nasabi na lamang ni Kier.

" May tanong ako sayo " tanong ni Adam.

" A-ano yun? " nanginginig na sagot ni Kier.

" Gusto mo pa bang mabuhay o gusto mo nang mamatay? " tanong ulit ni Adam kay Keir.

Nakarating sina Adam at Kier sa hallway pero may nakitang silang tao na kinakain ang mga patay na estudyante kaya nagtago sila.

" Tingnan mo yung mga estudyante na yun na balak ding pumunta para magsumbong sa mga prof " sabi ni Adam habang nakaturo sa mga nakahandusay na lalaki.

" Hindi ko alam kung anong gusto mo pero gusto ko pang mabuhay, kuha mo?" prangkang pagsasalita ni Adam.

At ng nakita nilang wala ng ang nilalang dumiretso sila sa hagdan at dahan-dahang umakyat papuntang laboratory.

" A-adam dala mo ba ang cellphone mo?" tanong ni Kier kay Adam.

" Pano kung dala ko sino tatawagan mo?" pambabara ni Adam.

" Um yung mga pulis" sabi ni Kier.

" Tanga kaba o nag-tatanga- tangahan lang? Akala mo ba na ito lang ang lugar kung saan nagkakagulo?! Walang ibang taong makakatulong satin ngayon kundi mga sarili lang natin. " sabi ni Adam na pabulong

" Pero kahit ganon wala pa rin akong naririnig na sirena ng police car, alam mo ba kung anong ibig sabihin nun? "  sabi ni Adam.

" A-ang buong siyudad ay katulad din ng university natin na nagkakagulo dahil sa mga zombie... " ang pabulong na sabi ni Kier.

Nakarating sila sa 2nd floor pero hindi muna sila kumilos, nagmasid muna sila kung meron pa silang ibang kasama at ng masiguro na nila na wala silang kasama. Lakad-takbo silang dumeretso sa laboratory at nakarating sila ng wala man lang kahit anong masamang nangyari sa kanila.

" Kuhain mo lahat ng bagay na pwede nating gamitin at umalis na tayo dito." utos ni Adam.

" Adam pwede ba akong magtanong? Bakit ako ang sinama mo?" tanong ni Kier.

" Wala akong magagawa ikaw nalang ang buhay sa mga tao sa loob ng gym." sagot ni Adam.

Si Adam ang pinaka-matalo sa buong klase namin pero sa sitwasyon ngayon ang pagiging matalino niya ay hindi sapat para mabuhay siya.

" Shit wala dito si Luke at kasama ko ang matatakutin na to. Makakaligtas kaya kami nito? " at biglang napaisip si Adam.

Hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay nakarinig na sila ng ungol na nanggagaling sa likuran nila. Ng akmang susunggaban na ng zombie si Adam ay mabilis na nakailag si Adam at ang pinuntirya naman ng zombie ay si Kier na hindi nakagalaw sa sobrang takot.

Ng akma ng sasakmalin ng zombie si Kier ay hinampas sa ulo ni Adam ang zombie. Bumulagta ito at hindi na gumalaw.

" Salamat Adam, san mo ba nakuha yang  baseball bat na yan?" tanong ni Kier.

' Ito ba nakita ko lang sa tabi-tabi." sagot ni Adam.

At ng mahimasmasan si Kier bumaba nasilang dalawa at dumiretso sa gate.

 ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Antayin niyo nalang po yung Chapter 1. Dun nyo makikilala ang iba pang survivor na makakasama nila.

Author's Note:

i'm sorry kung medyo pangit ang kwento 1st time writer kasi & i'm willing to accept criticism.

InfectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon