Babalik ka pa kaya?

73 0 0
                                    

Sa ilalim ng ningning ng buwan at mga tala
Hinahaplos ng masamyong hangin ang aking mukha
Larawan mo'y nakikini-kinita
Ala-ala ng nakaraa'y ginugunita.

Mainit na likidong mula sa mata
Dumadaloy sa pisngi sanhi ng pagdurusa
Sa'yong pag-ibig ay nangungulila
Ang puso kong kabiyak ay nawala.

'Di alam ang dahilan ng 'yong paglisan
Biglang natahimik at 'di nagparamdam
Walang pasabi at walang paalam
Pusong umaasa, tuluyang iniwan.

Ang limutin ka'y hindi magawa
Sa puso ko'y di ka mawala
Tanong sa sarili at sa Lumikha
Mahal, babalik ka pa kaya?

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon