36

613 38 9
                                    

Point of View: Meca

back to school na ilang araw na pero hanggang ngayon di ko parin nakikita si perky. natapos na ang christmas break pero hanggang ngayon di ko pa rin nasisilayan ang iniirog kong baklang pating.

last conversation namin ng personal no'ng noche buena at ang conversation namin sa chat ay no'ng new year pa, after no'n wala na naman. akala ko iniiwasan niya na naman ako pero nalaman ko na nagbakasyon pala sila sa probinsiya, so therefore I conclude na hindi siya nakakapagreply sa akin siguro mahina ang signal at walang WiFi. oo 'yon, tama.

at siguro baka hanggang ngayon ninamnam pa ang sariwang hangin at nag-iisip isip sa kaniyang pagbabalik sa kuta ng mga hotdog- biro lang siyempre. ano ba 'yan, miss ko na si perky.

it has been a week simula nung nagsimula ang klase at hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay perky kahit kay giovan na feeling best friend niya ay wala din. nakakawalang gana tuloy. huwag kayong maingay pero nitong nakaraan nagbabalak akong sugurin si perky baby shark sa probinsiya nila kaya lang si nana kasi ni-lektyuran na naman ako ng kaniyang 'ang naaayong galaw ng isang maria 101'. hays, naalala ko lang si perky na naka-sparring ko no'n kasi dapat daw kaniyang pangalan nalang ang maria, akala niya papayag ako? siyempre oo, ganoon ako ka-tanga pagdating sa pag-ibig ko kay perky.

dinukdok ko ang ulo ko at inis na inumpog umpog sa lamesa. sana kasi barbie nalang ang ibinigay ko sa kaniya, shonga ka talaga meca.

mahilig si perky sa barbie, pero mas mahilig siyang mang-agaw ng mga laruan. hindi ko na mabilang kung ilang beses ako umiyak dahil inagaw niya sa akin ang manyika ko dahil hindi ko gusto makipaglaro sa kaniya. ilang beses niya tinanggal yung bulak sa stuffed toys ko kasi hindi ko siya pinapansin. kahit voodoo dolls na regalo sa akin ni kuya ace di niya rin pinalampas.

napangiti ako nang pumasok sa isipan ko ang palaging senaryo namin, ako na naghalo na ang uhog at luha sa kakangawa. siya na nakapout ang mga labi.

hindi ko naman lubos maisip na doon na pala magsisimula ang pag-usbong ng nararamdaman ko para sa kaniya. hindi ko napigilan at mapigilan. kapag lalo kong pinigilan, lalong lumalalim at heto na nga, nalulunod na ako. ako lang yung nalulunod kasi 'yung si perky sanay sa languyan 'yon, shark eh.

"crazy." nilingon ko ang lapastangang nagsalita noon at napabuntong hininga na lang ako.

lord naging mabuting mamamayan naman ako at hindi naman kasalanan ang pagiging baduy hindi ba? eh bakit naman ganito? sabi ko lord perky hindi arcane, ang layo po.

"ano na naman?" pagod kong sabi. sa one week na lumipas kahit last year pa palagi na akong kinukulit nitong arcane singit na ito na akala ko mysteryoso at masungit dahil may sariling mundo tapos 'yon pala makapal ang mukha at feeling close.

nakita kong may tina-type siya sa laptop niya- actually bukod sa libro, laptop lang ang lagi niyang kasama at palaging may tina-type, weirdo. nung sumilip naman ako nilamukos niya mukha ko kaya napadaing ako sa sobrang sakit. ano bang problema ng isang ito?

"ugh bwisit." bulong ko. inayos ko yung salamin kong natanggal at ang full bangs kong bilang. inumpog ko ulit ulo ko sa lamesa.

oh good lord, have some mercy on me. let me see the light and perky baby shark. bakit kasi si arcane ang kasama ko? paano sina ezra, airy at cherry ay committee member sa nalalapit na school fair, in short busy ang mga mani.

"say, how does it feel to be hug?" napaangat ako ng tingin sa biglang tanong nito. hindi na ako nagulat sa mga tanong nito because he always ask me some weird questions out of nowhere. madalas about sa point of view ng babae o ko sa love or something. ewan ko kung anong trip sa buhay nitong kumpare niyo kapag tinatanong ko naman kung para saan ngingiting aso lang. hay naku! perky asaan ka na ba?

at kapag sinasabi kong sa iba niya nalang itanong dahil hindi naman ako ganoon ka-experience mang-iirap bigla bigla. like, seriously? again, seriously?

sorry perky, back off ako 'yang crush mo lang talaga ang makulit at makapal ang kalyo sa pagmumukha.

"malay. anong klaseng hug ba?" pagtatanong ko. wag niyo ko husgahan! sadiyang napapagod na ako kakasaway sa arcane na'to. loyal perky baby sharkers ito.

"is there various types of hug?" pagtatanong nito habang nakataas ang kilay.

"oo no! tsh. friendly hug, family hug, uh.romantic hug? comfort hug? huggies diaper-sort of like that." sabi ko at dinukdok ang ulo. wala namang ginagawa bakit pa ba ako pumasok?

"tell me about romantic hug then.." sabi nito. tumaas ang kilay ko. nakatutok lang siya sa laptop niya. ay naku naman!

"hindi ko alam." sabi ko. "why you asking? wala ka pa bang naging girlfriend o kahit kajowaan na na-hug?" hinihintay ko ang sagot nito pero wala akong narinig.

"stop being so nosy and just give me your answer." siya pa iritado, kalokohan. napairap ako at umayos ng upo. humalumbaba at inalala ang mga kahapong napakasaya.

yung batang ako na niyayakap si perky. huwag niyo ako ulit husgahan, madungis kasi t-shirt ko no'n kaya dinungisan ko rin si perky para couple shirt kami.

"hehehehe romantic hug hehehehe ekk- siyempre masarap sa pakiramdam hehe yung warmth, yung love ramdam mo- tapos you feel very secure at safe. sabi ni nana ang yakap ay isang gesture na kahit hindi niyo sabihing mahal niyo ang isa't isa, through hug, mararamdaman at mararamdaman niyo-." bastos di pa ako tapos magsalita. grr.

"ah k." sabi nito at niligpit yung kalat at inalisan ako. tingnan mo ang isang iyon. ipapakurot ko singit no'n kay nana makikita niya.


habang hinihintay ang break ng mga committee members nag-isip na lang ako ng maaring kong gawin para maging close friends kami ni perky, para sa step one.

"are you sure si perzikiel yung nakita mo?" agad akong napalingon nang marinig ko ang pangalan ni perky, napataas ang makakapal kong kilay. isa ito sa circle of barbies ni perky.

"yeah really."

"it's impossible. i mean, allergic sa tomboyish si perky. she prefer being with some girly fashionista chick"

"oh girl beats me, but I really saw perzikiel with a girl na tomboy."

napatayo ako at napatingin sila agad akong lumapit sa kinaroroonan nila.

"hi meca!" bati nila hinawakan ko ang balikat ng isa sa kanila at nagulat sila pareho, pero wala akong pake.

"saan mo nakita si perky baby shark?" they laughed when they heard what i called to perky.

"still courting him? I saw him yesterday and kanina sa may playground malapit sa La café, wait wh-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at tumakbo paalis sa cafeteria.

"hoy mecawayan! san ka? di diyan tapunan ng basura." nakasulubong ko pa si cherry but I didn't mind her at linampasan siya. hassle lang tumakbo kasi yung palda kong mahaba natatapakan ko.

"isasalba ko lang love life ko cherry." sigaw ko.

a girl, a tomboy? no, it can't be! hindi pa nga tayo nagsisimula perky, tatapusin na agad. tanga ko talaga.


••

aha! i'm back hehehe

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon