Chapter 4

53.3K 1.8K 724
                                    

Mia's Message: I am back. Hahaha. This chapter is short, but it will give you an idea about Anton and Rafaela—about their friendship, their feelings, their past, and their present circumstances. Huwag kayong magko-comment ng "bitin" kasi sasakalin ko kayo. Charing. Hello, "on-going story" ito, so talagang bitin ito kasi Chapter 4 pa lang. Haha. Anyway, happy reading! :)


--


"Sige na naman, Rafaela!"

"Ayoko," tanggi nito.

"Please?" Niyugyog ko ang balikat ni Rafaela. Magkatabi kaming nakaupo sa terrace nila habang kumakain ng manggang may alamang. Sabado ngayon at kakatapos lang naming maglinis ng CR kanina sa school bilang parusa sa kalokahang ginawa namin.

"Ano ba!" Tinapik nito ang mga kamay kong nakahawak sa balikat niya. "I said no. Sumusobra ka na talagang abusada ka."

"For my happiness? Please?"

"For your happiness? Give me a break. I've heard that line a thousand times already," he said, looking annoyed.

"This time, it's for real!" I pleaded.

He gave me a blank stare. "Seryoso? Si Nikos talaga? Parang nitong nakaraang Linggo lang, halos maglupasay ka sa akin dahil kay Craig."

"E, ayoko na pala sa kanya. 'Di ko na siya feel. Si Nikos na lang." I grinned.

Napakamot ito sa ulo. "Bakit ka ba kasi asa ka ng asa sa mga lalaking crush mo, naging crush mo, at magiging crush mo kung ayaw naman nilang lahat sa'yo?" Nakasimangot na tanong ni Rafaela.

Siniko ko ito sa tagiliran na nakapagpangiwi rito. "Hoy. FYI. Ang iba sa kanila ay nagkagusto rin sa akin. Nagkataon lang na no'ng nagustuhan na nila ako, ayoko na."

"Mabilis ka kasing magsawa," mahinang sabi nito.

"Tumpak. I want to be the one who's chasing, not the one to be chased after."

"You know that for a hopeless romantic girl, you're weird, right?"

"And you know that for an arrogant jerk, you're nosy, right?" I shot back.

Ngumiti ito at nag-inat bago nagpatuloy muli sa pagkain. "Sabi ko naman sa'yo, hindi mo na kailangang maghanap pa ng iba. Nandito naman ako noon pa."

Umirap ako. "Ayoko nga sa'yo." Dinuro ko ito gamit ang piraso ng manggang may alamang sabay nguya.

"Bakit hindi na lang ako?" Pangungulit nito. Huminto ito sa pagnguya at nakasimangot na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Bakit kailangang ikaw?" I sneered.

"Kasi matagal na kitang gusto. Kita mo nga, kahit napakagwapo ko, wala akong pinapansing ibang babae kahit nagpapapansin sila sa akin kasi nga ikaw lang ang gusto ko."

Sumandal ako sa bangko. "Kaya ka ba NGSB?" Pang-aasar ko rito.

Sumandal din ito sa bangko at pinatong ang mga paa sa maliit na mesa na pinagpapatungan ng mangga at alamang. "Kasi nga ako ang sisira sa pagiging NBSB mo."

"Libre'ng mangarap, Rafaela."

"Matagal na kitang pinapangarap, Anton."

Bigla ko itong binatukan.

"Masakit 'yon, Anton, ha." Himas-himas nito ang likod ng ulo.

"You and your stupid pick-up lines! Magpreno ka naman, Rafaela! Dire-diretso ka masyado, e."

The Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon