My Everlasting Girl [ONE SHOT]

79 3 4
                                    

-One Shot Story-

"Tol! Anong balita sa nililigawan mo? Improving na ba?" nagtawanan naman silang lahat.

"Kayo na?" sabi nung isa.

"O binusted ka?" nagtawanan ulit.

"Alam mo tol, tigilan mo na kasi yan. Tatlong araw mo na kayang nililigawan yan."

"Ano sabi mo? Play boy ka talaga. Yung iba nga dyan, inaabot hanggang isang taon." sagot ko.

"Oh ano ngayon? Susundin mo rin sila? Maiba ka nga."

"Maiba ako? Maiba ako sayo! Gusto mo, isang araw lang palage at oras lang tumatagal sayo."

"Ayaw mo nun? Hahaha."

Mga gago talaga ang mga 'to. Pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Tsk.

Umalis na 'ko dun. Pupuntahan ko muna ang nililigawan ko. Sana sagutin na ako nun. 

**

*tu-toot*

'1 message received'

from: Kate

"Louis, sorry ha. Hindi talaga pwede. Sorry talaga. I hope you'll forgive me. :("

Yun ang nakalagay sa text.

T*ngina naman oh. Basted na naman ako.

Ba't hindi ako habulin ng babae? Sa buong buhay ko, isa lang ang naging girlfriend ko. Hindi pa seryoso ang babae kasi pinagpustahan lang ako nun. Tss.

Nagbalik ako sa room, may klase pa kami in 5 minutes tapos uwian na. Magdo-dota pa ako mamaya. Pampalipas lang, kakatapos rin naman kahapon ng exams.

Pumasok na ang teacher namin sa English. Ganun pa rin si Mam Sungit. Hahaha. Nagkakasalubong kasi ang kilay niya at masungit naman talaga siya.

"Good Afternoon class. Yesterday was the last day of your 3-day exams, so i'll dismiss you earlier today. I'll just need to rearrange your seats for this another grading period."

"Yes mam.

"I'll start with..." tumingin siya sa papel niyang dala. Nasulat niya na siguro dun ang arrangement namin.

"Ligason & Orizar"

"Castel & Casiano"

...

...

...

...

hanggang sa...

"Castillo..."

Ako na yun ah. Umupo na ako sa upuang tinuro ni mam. Sino kaya ang bagong seatmate ko?

"& Ocampo."

Uy, si Nicole pala ang seatmate ko. Tumungo na siya dito at umupo sa tabi ko. Siya pala ang rank 2 namin. Ang talino niya nga eh. 

Di niyo ba alam na crush ko 'to? Hahaha. Pero hindi kami close eh. Ewan ko lang kung makakapag-usap na kami nito dahil seatmate ko siya.

"Hi." sabi niya.

"Hi rin." sabi ko.

"Mahiyain ka pala?" natawa siya ng mahina.

My Everlasting Girl [ONE SHOT]Where stories live. Discover now