Chapter 7

220 17 27
                                    

Cheska's POV

"WHAT?! "

Napaiktad ako sa gulat nang marinig ko ang dumadagundong na boses ni Jigger sa may kusina. Lumagpas tuloy ang kyoteks na inilalagay ko sa aking paa. Ugh. Bakit ba parang napapansin ko, eh wala na s'yang ginawa kun'di ang sumigaw nang sumigaw.

Nakaka tuliling na!

"I'm sorry, dude.. Wala naman akong magagawa kung ayaw na ni Krizell. " boses iyon ni Levi. Kanina pa n'ya ito kausap, simula nang dumating ito kaninang umaga. "Siguro ay pagbigyan na muna natin s'ya sa gusto n'yang makapag bakas'yon at mag-relax. Marami kasing problema ngayon ang tao.. "

"Damn it! " narinig kong parang hinampas ni Jigger nang malakas ang lamesa. Ayan, nagwawala na..

Kanina ko pang napapakinggan mula rito sa salas ang kanilang pag-uusap. Ang lalakas kasi ng mga boses nila. At halatang bad trip na naman si Jigger. Narinig ko kasing nag-back out yung isa nilang model na dapat ay kasali sa gaganaping photo shoot nila sa Tagaytay. Mukhang malaking problema 'yon kasi ang alam ko ay bukas na ang alis nila para roon. Meroon pa nga raw gaganaping prenup bago iyon. At kung kukulangin sila ng model, eh siguradong mapupurnada ang kanilang plano.

"Sabi ko naman kasi sa'yo.. Si Ches— "

"No! Shut up!.. Ako ang hahanap ng kapalit. And please! 'Wag mong ipagpilitan sa akin ang 'ayaw' ko! " napalingon ako sa gawi ng kusina nang lumabas doon si Jigger, gusumot ang mukha nito.

Saglit pang nagtama ang aming mga paningin nang lagpasan n'ya ako dito sa aking kinau-upuang sofa. At ewan ko ba na naman kung bakit, lalong nangunot ang kan'ya noo matapos mag-iwas nang tingin. Dere-deretso na s'yang umakyat ng hagdanan, papunta sa kan'yang kwarto.

Napakunot na rin tuloy ako ng noo. Inaano ko ba s'ya?!

"Whew.. Ang hirap makipag-usap sa may topak na tao. " nilingon ko si Levi na nasa gilid ko na pala at nakiki-upo sa aking tabihan. "Hi. " ngumit ito nang matamis.

"H-hi.. " nag-aalinlangan kong bati pabalik. Medyo hindi ko naman kasi ito ka-close, kaya nailang ako bigla nang tabihan n'ya ako. Napatigil tuloy ako sa aking ginagawa at ini-ayos ang aking upo.

"Napainom mo ba ng gamot ang kapatid mo?.. " anito na parang hindi makapaniwala.

"Hah? " seryoso, hindi ko talaga na-gets agad ang sinabi n'ya. Nakakabigla kasi na basta-basta n'ya na lang akong kinakausap kahit hindi naman kami close.

Sa totoo lang, pangalawang beses ko pa lamang itong nakakausap.. Yung una ay nung birthday ni Jigger last year. Madalang ko lang kasi itong nakikita. Palagi lang daw kasi itong nakatambay sa photo studio ni Jigger, kung saan kahalili ito sa pagpapa-takbo ng negosyo nilang iyon, minsan nama'y nasa mga galaan ito. At ang pangalawang beses naman nang pag-uusap  namin ay ngayon lang, after four months ay ngayon ko na lang ulit ito nakausap nang harapan. May pagka-madaldal s'yang tao, para sa isang lalaki. At maski kahit sino ay napapansin kong palagi n'yang kinakausap kahit na hindi n'ya ito ka-close.

Tulad ko.

"Wala.. " Bahagya akong napa-atras nang isandal n'ya ang likod sa kinau-upuan naming sofa. Ang lapit n'ya kasi mas'yado.

Naiilang talaga ako kapag nasa tabi ko ito. Mas'yadong nakaka-intimidate ang presens'ya n'ya, para s'yang si Jigger na ang hirap basahin ng mga kilos. At para bang may gusto s'ya laging gawin sa iyo kapag kausap mo s'ya o nakatingin s'ya sa iyo. Ang weird lang.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon