8:00 AM
Umaga na. Bangon na.
Bakit mukhang tinatamad ka? Walang sigla..
Dati-rati nagmamadali ka pa
Alas-sais pa nga lang dilat ka na
Bakit ngayon parang may iba
Teka? Hindi mo ba siya itetext ng "Magandang Umaga"?
9:00 AM
Habang biyahe wala ka pa ding imik.
Panay lang ang tingin mo sa akin.
Alam ko may iniisip ka.
Alam ko na naguguluhan ka.
At ayoko ang aking nakikita
Para ka kasing iba...
Parang kulang ka.
9:30 AM
Kanina pa tayo nakarating dito sa eskwelahan
Pero nandito pa din tayo sa loob ng sasakyan.
Pinapanood siya na naglalakad sa ilalim ng ulan.
Hindi mo ba siya lalapitan?
Bakit hindi mo payungan?
10:00 AM
Sa loob ng klase parehas kayong walang imik.
Panay lang ang palitan niyo ng lihim na tingin.
Nasaan ang dati niyong kulitan?
Bakit ngayon ay nagkakailangan.
Anong nangyayari? Bakit kayo ganyan?
Sabihin niyo sa akin ang dahilan.
12:00 PM
Tara kausapin mo na siya.
Ayun siya kasama ang tropa.
Dali, ayain mo magmerienda
Para makita na ulit kitang masaya
Gaya ng dati pag kasama mo siya.
Alam ko namang miss na miss niyo na ang isat-isa.
3:00 PM
Bakit lumalayo ka sa kanya?
Ngayon ang kasama mo si Aya.
Oo nga pala....Kayo na.
Ito ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka?
Ikaw kasi nagpabuyo ka sa kantyaw ng mga walang kwenta mong kabarkada.
Yan tuloy...Nahihirapan ka.
5:20 PM
Sa wakas nilapitan mo din siya.
Tanga. bakit mo pinakilalang GF si Aya?
Ayan tuloy hindi sumama ng ayain niyong magmeryenda.
Bakit ba tanga ka?
Ako lang ba nakakakitang mahal ka niya.
Hindi mo ba nakita na lumuha siya paglayo niyo ni Aya.
8:00 PM
Heto ka at naglalasing.
Pinapahirapan ang sarili.
Sige lang...Umiyak ka. Magwala ka.
Baka bukas matauhan ka na.
Ikaw ang nagbigay sa sarili mo ng problema.
Tanga ka kasi. Duwag pa.
Kung sinabi mo lang na mahal mo siya noon pa.
Eh di sana wala kang problema.
12:00 AM
Sa wakas nakatulog ka na din.
Kahit sandali napayapa ka rin.
Gusto kong sabihin sayo ang aking mga nakita.
Napansin mo ba ang mga mata niya?
Malungkot..Naiiyak.
Parang mata mo lang kanina noong tinitignan mo ang litrato niyong dalawa.
Masaya...Magkasama.
Ano nang gagawin mo ngayon?
Paano mo iibahin ang sitwasyon?
Hahayaan mo na lang ba na lumipas ang panahon.
O babaguhin mo habang maaga pa ang ginawa mong desisyon.
Gusto kitang payuhan.
Gusto kitang tulungan.
Pero anong magagawa ko?
Isa lang akong REPLEKSIYON. =(
<3 <3 <3 =D
Medyo senti ako nito kaya pasensya na. Salamat po kung may makakabasa. Hehe!
Hirap kapag bored sa trabaho. Diba chikachicks? mwah!!
Yung cover po nakuha ko lang sa net. Inedit ko lang. Di pa ko masyadong familiar sa paggawa ng cover eh.