Chapter III

106 3 0
                                    

*Aena Castro*

90-79. In favor of La Salle. I'm so proud of my team. Wala e'. Ginalingan ng Archers. Ginalingan din ng Bibe ko. At dahil nga assumera ako. Nasaktan ako. Dahil after nila kantahin ang university hymn. Ay umalis na sila.

"Paano ba yan girl? Umalis agad oh. Hindi ka tuloy nakapag-papicture." Sabi ni Drei habang nakahabol ng tingin sa green archers. Sayang man pero.

"It's okay. Dahil ang ma-notice ako ni bibe ay mas memorable pa kesa sa isang picture. Ako kasi talaga 'yon diba? Ako ung kinindatan niya kanina diba?" Napailing na lang si Drei sakin.

"Mga ilang ulit tayo dito? Oo nga, baka nga. Ano ba? Nakaka-benteng tanong ka na niyan ha."

"Ang sarap paulit-ulitin sa utak. Grabe! Kinikilig ako!" At grabe. Para akong kiti-kiti. Napatakip ako ng mukha.

"Kilig kilig ka dyan. Tignan mo ung fan ng green archers wala na oh. Malamang nag-aabang na sila sa exit at ito ikaw nasa loob pa din." Pakalingon ko sa paligid. Hala shaks! Wala na nga. Pero masasabi bang beginers luck ang pangyayaring 'yon?

"Hala. Oo nga! Tara na sa parking lot. Dali!" At dali-dali kong kinuha ang bag ko pero may nararamdaman akong kakaiba.

"Girl. Naiihi ako. Inom kasi ako ng inom ng tubig kanina. 'Ba naman kasi ang intense ng game kanina."

"Alam mo ba kung saan ung restroom? Gusto mo samahan kita?"

"Ha? Wag na. May signage naman siguro 'yon. Dumaretso ka na lang sa may exit tapos itext mo ko pag-palabas na* sila."

"Sige sige. Basta mag-text ka ha." At nag-separate ways na kami. Naku po naman. Saan kaya ang CR dito? Di bale. May signage naman siguro sila dito.

Okay? Mukhang naliligaw na ata ako. Wala naman akong makitang guard. Wala ngang katao-tao dito e', mangilan ngilan lang. Ano ba yan? Ihing-ihi na ko. Dapat pala nagpasama na ko kay Drei. Haist. Sorry naman diba? Baguhan lang kasi. At dahil sa paglalakad-lakad ko nakakita ako ng guard. Buti naman at natanong ko na si manong guard. Restroom, here I come! Pero mai-text muna si Drei. Kalkal kung kalkal ako sa bag. Ohmygas. Mini heart attack! Hindi ko makapa ang phone ko. Potek. Nasan na 'yon?

"Ah!"

"Ah! Sorry miss." Dahil nga sa kakahanap ko ng phone ko hindi ko napansin na naka-bangga na ko ng tao. Infairness, masakit ha. Pero dahil busy pa din ako sa pag-hahanap ng phone ko. Sinenyasan ko lang ung nakabangga ko na, okay lang ako at tuloy-tuloy na ko sa paglalakad. Nasaan na ba 'yon? Nahulog ko ba? Kinakabahan ako. At sa wakas! Nakapa ko din ang phone ko. Nawala ang kaba sa puso ko.

"Miss?" Sino bang 'miss' ang tinatawag no'n? Ayoko na lumingon. Baka mamaya sabihin pa sakin assumera ko. Lilingon-lingon ako hindi naman pala ako ang tinatawag. Kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Miss na naka-headband ng green!" Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa mga mangilang-ngilang tao na nasa-harap ko. Wala namang naka-green na headband sa kanila. Teka, ako lang ung naka-headband na green dito ah. Ibig sabihin, ako? Lilingunin ko na nga siya baka mamaya sabihin isnabera ko.

Umurong ata ang ihi ko. His now, walking towards my direction while looking straight to my eyes. I don't know what to say and to react.

"Miss. Is this yours?" Nasa harapan ko ngayon ang isang Ricci Rivero. Ang taong hinahangaan ko. Ang taong inspirasyon ko. Ang taong mahal ko. He's holding my handkerchief. Inaabot niya sakin pero hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap. Soft hug lang.

Reality of Fate ( Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon