Di ko alam kung paano ko sisimulan to, first time ko lang kasi magsulat dito. Pero sana magustuhan niyo ang Love Story namin, gusto ko lang namang i-share, kasi gusto ko rin tong basahin pagdating ng araw, Sana magustuhan nyo.
Unang una palang masaya na ako habang sinusulat tong Love Story namin, excited na akong gawin to matagal na... Ako nga pala si Ramon, pangalan palang pang-presidente na, Hahaha... Ganyang-ganyan ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko at mga nakakakilala sa akin. Kalog at masayahing tao, pero seryoso din ako minsan ha!
Actually di ko ineexpect na magiging Girlfriend ko ang bestfriend ko noon, ultimate crush ko yun kahit ganon sya. Last na nagka-usap kami noon e Elementary palang kami, 4th Grade. Ang name nya is, Trixie... Chinita siya, may dimple din sa kaliwang pisngi tulad ko. Kaya lang mukhang masungit sa unang tingin pero once na nakilala mo na talaga sya, mabait at napakasweet kaya lang bugbog ka pag nasosobrahan sya sa inis at pag masaya sya ng sobraaaaa.. Di naman kami talaga naging magclassmate until gumrad ng elementary, as in nung 4th grade lang talaga, meron kasi akong sis na tomboy that time na kaibigan ng cousin nyang lalaki kaya whenever na mag uuwian kami e may times na sabay talaga.. napakaliliit pa namin noon, wahihihi.. kandong-kandong lang para less pamasahe...
Okay seryoso na, magkikwento lang ako ng mga natatandaan ko pa nung days na yun na magkaklase kami. Madalas kaming magkatapat sa linya kapag Flag Ceremony na. Hiwalay kasi ang pila ng lalaki sa pila ng mga babae. Ginagawa to palagi before magstart ang klase,. Magkatapat kami talaga palagi, ayan inulit ko pa. hehehe... alam nyo ba kung bakit? kasi siya mismo nagagalit pag di kami magkatapat sa pila, pinapagalitan nya ang classmate kong lalaki na makakatapat nya kapag ina-arrange ang pila at nauurong ako sa dulo kasi mas marami kaming lalaki noon, pinapabalik nya ako kapag nauurong ako papunta sa dulo kapag nag-arms forward na... at take note! Sya mismo ang hihila sa akin pabalik sa pila na magkakatapatan kami kapag di ako susunod.
So, ang dialog nun parang ganito...
sabi ni Trixie, "hoy! mon, tapat ka lang sa kin palagi ha?"
sagot ko naman, "depende sa pila e".
Sabay iirapan nya ako at hila ng uniform ko, yung pinakamanggas pabalik sa unahan kapag nawawala ako sa pwesto malapit sa kanya, aalis talaga sya sa pila nya para lang gawin yun sa akin, ganon sya kaastig na babae. Di ko rin alam kung bakit nangyari yun pero, para sa aming dalawa wala pang ibig sabihin yun...
Kung maitatanong nyo walking distance lang ang bahay nila mula sa amin, meron ang lolo nya doon sa kanila ng video games at bilyaran... Napapadayo din ako doon minsan kapag may pera ako na benta sa panalo sa larong text o di kaya e may nahingi akong pera sa magulang ko. One time, pumunta ako doon at naglaro ako ng street fighter sa video game, usong uso yun dati e tsaka ung mortal combat... Yun,... yun ang mga favorite ko dati na laruin..
So, yun na nga naglaro ako doon sa kanila.. Sa kalagitnaan ng laro ko biglang may pumingot ng tenga ko at sabay sabi ng,
" Aaaaannnnnddddiiittttoooo ka na naman? bat naglalaro ka dito?"sabi ni Trixie...
Sa isip ko habang pinagpapawisan, naku andito na naman sya, mukhang di na ako makakapaglaro ng maayos nito.
Sabay sabi ko, "Wala, napadaan lang ako pero pauwi na rin".
sagot nya naman, "Ano ka? Ang aga-aga pa oh, dito ka muna laro tayo".
Kaya yun wala na akong magagawa na naman, laro ako kasama siya, pati sa paglalaro pag natalo ako may kagat ako sa braso o di kaya pitik sa ilong... pero may times din naman na nanalo ako. So, pipitikin ko ang kamay nya sabay tawa kaya lang pag nasaktan sya nangungurot naman at maiinis pa sa ken pag nilakasan ko.
Bilang bata noon, at sa sitwasyon ko, talagang parang aayawan mo siyang makasama kasi ganon talaga siya makitungo sa kapwa nya... At alam ko matatawa sya kapag naalala nya ito, actually ilan lang to sa mga naalala ko noon na nakasama ko siya... Oo aaminin ko, may crush ako sa kanya noon kahit ganon siya, nagagandahan kasi talaga ako sa kanya, ung tipong maiksi ang buhok "apple cut", nakaheadban na may flowers na design.. tas basta napakaganda nya kapag papasok palang sa skul...
Kaya lang pag uwian na kami, pareho kaming pawisan at may bakat pa ng natuyong pawis sa leeg at mukha. Pero nung 5th Grade until gumraduate kami, di na kami masyado nagkakapansinan noon, naiba na kasi ang section ko at kasi bilang paslit noon, laro lang at aral ang alam namin... Wala pa sa amin yung mga ligaw ligaw na yan... Crush lang talaga... promise,
High School? Wala na talaga, di na kami nagkita ng mga years na ito.. Sa Bulacan na kasi sya nag-aral at ako naman sa Probinsya namin. At aaminin ko, di ko sya makalimutan, napapadaan pa rin naman ako sa kanila everytime na luluwas ako dito sa manila noon for vacation., Di ko na sya nakikita, at kahit nauso noon ang FRIENDSTER tinatype ko name nya para isearch kaya lang wala, di ko makita... Uso pa nun friendster nung 3rd year highschool ako til 4th year ata... So, nagkagf na ako noon, ;-) wala e binata na.. Hehehe... Nung time na makagraduate ako sa High School, sabi ko sa parents ko na gusto ko mag-aral sa Manila ulet, kaya ayon nakapasok ako sa STI Paranaque noon...
After 4 years....
College life? Okay naman, nagpasama pa nga ako magpaenroll sa mother ko e, kakahiya nga e, kasi College na nagpapasama pa sa magulang, hehehe... Pero ayos lang. Alam nyo ba na hinahanap ko pa din sya noon? although may gf ako para sa akin, makita ko lang sya ulet okay na ako, kahit di nya ako pansinin, ung sa isip ko na magkasalubong lang kami okay na ako, gusto ko lang makita ulet sya ngayong binata at dalaga na kami. So, ayon na nga, aral ako sa STI at nag-audition ako na maging isa sa mga Magagaling na Dancer ng STI paranaque, 40 plus ata kaming nag-audition noon, di ko ineexpect na mapipili ako. kasi, dalawang dancers lang talaga ang need ng school noon kasi kulang sila.. So, blessed ako kasi isa ako sa natanggap at nabiyayaan ng Scholarship...
So, ayun na nga... Nakilala na din ako sa skul, sumayaw kami sa Island Cove, Cavite for Cluster Competition... Pasok kami sa CLuster at makakalaban kami for Grand Final sa Star City, super happy ako kasi ang sarap sa pakiramdam ang manalo at pasalamatan ka ng mga taong nagtiwala sa inyo... and mas naging masaya ako noon nung nanalo kami bilang STI Hataw Sayaw Champion last 2007, napakagaling... napakasarap sa pakiramdam noon...
May isang araw noon sa buhay ko na nakita ko siya sa Campus, as in iisa kami ng school na pinapasukan noon at biglang nagSLOWMOTION ang lahat... kakalabas ko lang noon sa klase ko, pababa ako noon at sila ng mga kaibigan nya ay paakyat... napatingin ako sa kanya, hindi ako namalikmata at alam ko sya si Trixie, lalo na nung ngumiti sya at nakita ko ang dimple nya sa kaliwa... bilang torpe, ayun tumingin lang at hinayaang dumaan sya sa harapan ko... uuuhhhh...
BINABASA MO ANG
Bestfriends that Turn Into Lovers
Teen Fiction"Friendship is one of the important parts of having a perfect relationship. If you don't know and don't trust each other like best friends, the love relationship won't be perfect and it can fragile easily. The more you know about your partner, the g...