Tyron-Part6

1.6K 46 0
                                    


NAWALA na ang mga bulaklak na araw-araw nabubungaran ni Gaizchel sa kanyang mesa. Pero ang kapalit naman ay araw-araw na fruit shake at kung ano-anong uri ng healthy food, na may kasamang note o mga quotation na alam niyang galing lang sa Internet.

Ganoon pa man, hindi niya magawang ma-corny-han. Ang totoo, napapangiti siya kapag nababasa ang mga notes at quotations. Itinatago niya sa drawer ang bawat notes. Minsan, naiisip niyang isa sa limang may-ari ng Paradise View ang gumagawa niyon. Pero hindi naman siya makakita ng sign sa mga ito. Lahat naman kasi ng nasa loob ng Paradise View, alam na mahilig siya sa fruit shake.

Kung si Aling Mameng na gumagawa ng fruit shake ang aasahan niyang magsasabi, wala rin siyang mapapala.

"Naku, baka magtampo sa akin iyon kapag ibinuko ko siya," sabi ng matanda nang minsang mangulit siya.

Nakakuha pa rin naman siya ng clue. Nasa loob nga ng Paradise View ang taong gumagawa niyon. Gusto niyang matawa. Bakit kaya hindi na lang ito dumeretso sa kanya? Huwag sabihing uso pa rin ang torpe sa panahong ito? Isa pa, wala sa mga macho image ng mga naroroon ang kakikitaan ng katorpehan.

"Mukhang kilig na kilig ka diyan sa binabasa mo, ah."

Hindi na kailangan pang tingnan ni Gaizchel ang nagsalita. Boses pa lang, nakilala na niya. Noong una, naisip niyang baka si Tyron ang nasa likod ng lahat ng iyon. Dahil sa lahat, ito ang pinaka-health conscious. Puro nutritious food kasi ang laging nasa mesa niya. Pero dahil madalas siraan at pintasan ni Tyron ang taong nasa likod ng lahat ng iyon, inilayo na niya ito sa mga possible suspect.
Bakit nga naman nito iyon gagawin?

Si Bea ang gusto ni Tyron.

Pero hindi niya itinatanggi na talagang kinikilig siya noong nakaraan sa pinaggagagawa ng binata. Four days ang seminar nito sa Makati pero piniling mag-uwian para lang madalhan siya ng pasalubong na cakes and pastries. Noong huling araw ng seminar, ice cream na ang kanyang hiningi

"Ang sweet kasi ng notes, eh. Nakakatuwa."

Palaging nagbibigay ng magagandang komento sa mga notes si Gaizchel kapag si Tyron ang nagtatanong. Gusto niya kasing pagtakpan ang sarili. Ayaw niyang ipaalam na nasasaktan siya at naaawa sa sarili kapag nakikita ito at naaalala si Bea. Kung puwede nga lang, isisigaw niya sa pagmumukha ni Tyron na huwag na itong maglalalapit sa kanya at huwag nang magpakita ng concern. Dahil lalo siyang nai-in love dito.

But she doubted if she could stand the days, hours, minutes, seconds or even nanoseconds of her life without his presence. Dahil sa bawat sandali, si Tyron na lang ang laging laman ng kanyang isip.Kahit sa mga bulaklak na lagi niyang kaulayaw, ang guwapo nitong mukha ang nakikita niya. Laging ito ang hinahanap ng kanyang puso.

At kapag ganitong naglalalapit sa kanya si Tyron, parang gusto na lang niyang matulala sa kaguwapuhan at kakisigan nito. Mukha namang hindi nakakahalata ang binata, kaya ayos lang.

"Pabasa nga!" Kinuha nito ang hawak niyang papel at binasa, pagkatapos ay umismid. "Ang corny."

"What is it with you?" Inagaw ni Gaizchel ang note at inilagay sa loob ng drawer kasama ng iba pa. "Inggit ka lang kasi may admirer ako," nakalabing pang-aasar niya.

"Huu! Napakamakaluma naman!"

"Sweet kaya! Ikakatuwa ko pa nga kung haharanahin niya ako. Kapag nagawa niya 'yon, I'll let him court me."

"Court you? Hindi pa ba panliligaw ang tawag diyan?"

"Hindi pa. Hindi pa siya nanghaharana, eh."

Ngumisi si Tyron. "Are you serious? That's too old fashioned."

"Bakit ka ba nangingialam? Sa 'yon ang gusto ko."

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon