"SHIT!"
Nagngingitngit si Gaizchel habang nag-aani ng magagandang uri ng long-stemmed roses. Mula sa kinaroroonan niya, natatanaw ang nagkakasiyahang sina Tyron at Bea sa glass wall ng second floor ng pavilion house. Gusto niyang pagsisihan na inalagaan pa niya kagabi si Tyron. 'Tapos ngayong maganda na ang pakiramdam nito, si Bea naman ang kasalo sa kasiyahan.
"Poor flowers. They have to suffer in your hands."
Nilingon ni Gaizchel ang nagsalita. Nandoon din si Kyle at tumutulong sa pag-aani ng mga bulaklak. "Ano ba'ng sinasabi mo? Natural na putulin ko sila sa mga puno dahil—"
"What I'm trying to say is, nadadamay sila sa init ng ulo mo. Bakit ba? Dahil ba sa mga iyon?"
Inginuso nito ang kinaroroonan nina Tyron. And it took a lot of self-control to keep herself from looking back towards the pavilion. Hindi na kasi siya nakasisiguro sa sarili na hindi siya susugod kina Tyron at Bea kung makikitang naglalampungan ang mga ito. Nagngingitngit talaga siya nang husto. Sa buong buhay, ngayon lang siya nakadama nang ganoon. At ano ba ang ipinagkakaganoon niya? Wala naman dapat siyang pakialam sa dalawa.
Ano ba sa kanya kung makita man niya sina Tyron at Bea na naghahalikan sa ilalim ng araw? Wala naman, 'di ba? Iyon ang dapat niyang isaksak sa kukote. Pero mukhang hindi na iyon i-aabsorb ng kanyang utak dahil hindi na iyon gumagana. Kinuha na ng puso niya ang kalayaang imanipula ang lahat sa kanya.
Dahil sa matinding pagngingitngit na nadarama, hindi namalayan ni Gaizchel na humiwa sa kanyang mga daliri ang cutter na ginagamit sa pagputol ng mga bulaklak. "Aray!"
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kyle.
"Wala."
"May sugat ka."
"Wala ito."
Itutuloy sana ni Gaizchel ang ginagawa nang agawin ni Kyle ang cutter mula sa kanya.
"You take a rest. Mukhang nawawala ka na din sa sarili."
"Din?" nagtatakang tanong niya.
May sinulyapan ang binata sa kanyang likuran. "Don't look back," bulong nito at hinagip ang nasugatan niyang kamay, saka pinisil nang mariin. Dumugo iyon lalo kasabay ng kanyang pagdaing.
"What happened?"
Hindi na lubusang maintindihan ni Gaizchel ang nararamdaman matapos marinig ang nag-aalalang tinig ni Tyron. Sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso, hindi na niya nagawang tanungin si Kyle kung bakit pinapadugo pa nito nang husto ang sugat niyang hindi naman kalaliman.
"Nasugatan si Gaizchel. Look! It's bleeding!"
Ibinandera ni Kyle ang kamay na dumudugo sa harap ni Tyron.
Agad lumapit si Tyron. Dumukot ito ng panyo sa bulsa at idiniin sa kamay ni Gaizchel. "Tara muna sa pavilion house."
Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Gaizchel na tumanggi dahil agad siyang inakay ni Tyron palayo. Nilingon niya si Kyle na nakangisi sa kanila. Naunawaan na niya. Sinadya nitong papaniwalain si Tyron na malalim ang sugat niya. Umandar na naman ang kalokohan nito at si Tyron ang napagdiskitahan.
"Tyron, okay lang naman—"
"Don't think of going back unless I'm done nursing your wound."
Hindi na nga siya nag-abala pang magpaliwanag. Mukha ngang walang balak si Tyron na pakinggan ang sasabihin niya. Pero aaminin niyang masarap sa pakiramdam na nakikitang nag-aalala ito nang husto para sa kanya.
Pagkarating nila sa pavilion house, agad dumeretso sa kusina si Tyron. Siguro para kumuha ng first aid kit na sa palagay ni Gaizchel, hindi naman na kailangan. Ipinunas niya ang panyo ni Tyron sa sugat sa kamay habang hinihintay ito. Pero sa halip na si Tyron ang bumalik, ang nakasimangot na mukha ni Bea ang bumungad sa kanya.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
عاطفيةRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...