HINDI pa raw umuuwi si Tyron mula nang ihatid nito si Bea kahapon sa Makati, ayon kay Aling Mameng nang makausap ito ni Gaizchel. Siguro dahil galit pa rin ang binata sa kanya. Pero bakit ang sabi ng matanda, makailang ulit daw tumawag si Tyron para kumustahin ang sugat niya?
Ah, malamang na inaalala lang ni Tyron ang binitiwan nitong salita kay Aleika na sisiguruhing nasa maayos siya habang nasa poder nito. Iyon lang iyon at wala nang iba pa. At hindi na siya nararapat umasang may mas malalim pang dahilan kung bakit nagpapakita ng concern sa kanya si Tyron.
Dumeretso si Gaizchel sa opisina para kausapin ang alinman sa apat pang may-ari ng Paradise View.
"Magre-resign ka? Bakit?" Nagulat si Wesley sa inanunsiyo niya.
"Gusto ko nang bumalik sa totoong buhay ko. You know, I'm into fashion. And I think Tyron had already anticipated this. Malamang nasabihan na siya ni Aleika tungkol sa reputasyon ko sa trabaho."
Iyong madaling magsawa sa mga ginagawa at pinapasok na trabaho.
Pero alam ni Gaizchel, maging ng kanyang puso na ayaw niyang umalis. Ayaw niyang bitiwan ang trabahong iyon. Sa lugar na iyon sumibol ang kanyang puso. At napakabigat para iwan niya. Pero kung mananatili siya roon, makikita lang niya kung paano magkakadurog-durog ang kanyang puso.
Kyle offered her a ride. Mukha raw kasing hindi na niya mahintay ang pagbabalik ni Tyron kaya ito na lang ang maghahatid sa kanya. Pero alam niyang gusto lang nitong magkaroon ng dahilan para makalapit sa kanyang pinsan. Kyle was in love with her cousin. Alam niya iyon. Natutuwa siya para kay Aleika dahil may isang lalaking handang gawin ang lahat makalapit lang dito. Kahit pa paulit-ulit itong itaboy palayo.
Pumayag na rin si Gaizchel na magpahatid. Ayaw niyang maabutan pa siya ni Tyron doon. Dahil sa sandaling makita niya ang binata, baka hindi na siya makaalis pa. Ipagsisiksikan niya ang sarili dito at lalo lang siyang masasaktan.
"BUMANGON ka nga diyan, Gaizchel!"
Kapag ganoong tinawag siya ni Aleika sa kanyang pangalan, seryoso ang pakay nito.
"Maghapon ka nang nakababad sa kama. Gabi na. Ano ba'ng problema mo? Bakit nagmumukmok ka diyan?"
Tama ang kanyang pinsan. Mula nang ihatid siya ni Kyle kanina sa town house, hindi na siya lumabas ng kuwarto. Maghapon siyang nagmukmok at inabot na nga ng gabi. Kung hindi pa siya inakyat sa silid, wala na nga siyang balak na bumangon pa.
What was the point in getting up when there was nothing to look forward to? Kung dati na niyang alam na walang patutunguhan ang mga pinaggagagawa niya sa buhay.
Mas masaklap ngayon. Parang wala nang saysay na kumilos para sa kung ano. Lalong naging restless ang kanyang puso. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya iyon iindahin.
"Wala akong problema. Gusto ko lang magpahinga," awat niya sa balak pang pagsesermon ni Aleika.
"Maghapon ka nang nagpapahinga, Gaizchel," paalala nito.
Hindi siya umimik.
"You're in love. I knew it. Dahil iyan ang sintomas ng mga taong umiibig pero ayaw namang umamin."
"Are you going to be a love doctor, cuz?"
Sasagot pa sana si Aleika nang marinig nilang may tumutugtog ng gitara sa labas at sinasabayan ng pagkanta. Dahil pamilyar ang kanta, napilitang bumangon si Gaizchel. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita sa ibaba ang limang lalaki na may-ari ng Paradise View.
Nasa gitna ng apat si Tyron na may hawak na isang pulang rosas. Sina Rocco at Szade ang naggigitara. Sina Kyle at Wesley naman ang nagse-second voice sa kinakanta ni Tyron.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomantikRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...