Szade-Part2

1.9K 56 0
                                    


Eighteen years later

"YAYA, I'm not hungry. Pakilabas na po ang pagkain," walang siglang sabi ni Sugar Ashley.

Simula pagkabata, si Yaya Nessa na ang kanyang tagapag-alaga na isa ring Pilipinang tulad niya. Dahil kasundo niya ito, isinama na rin ng kanyang pamilya sa pagma-migrate sa France.

Limang taon lang siya noon at hindi pa gaanong naiintindihan ang nangyayari sa paligid. Walang mahalaga sa kanya kundi ang makuha ang gusto. At kahit nga imposible, ginagawan ng paraan ng mga magulang niya para maibigay sa kanya ang gusto. Nag-iisa kasi siyang anak.

Sa dami ng pera ng kanyang mga magulang, hindi pa rin mauubos kahit sampung ulit pang gastusan ang kanyang luho. Parehong galing sa mayayamang pamilya ang kanyang ama at ina. Bukod sa mga minanang kayamanan, may mga negosyo ring pinalago ang mga magulang niya na nagkalat na sa iba't ibang bansa sa Asya at Europa.

Her father owned the largest winery in France and an entertainment production company. While her mother had a hotel chain in different countries in Asia and Europe. May million acre-ranch din sila sa Australia na hindi matandaan ni Sugar Ashley kung kailan sila huling bumisita.

Sa château ng kanyang late great grandparents sila nanirahan mula noong five years old siya. Sa panahong iyon natuklasan ng kanyang lolo't lola na ang ama niya ang long lost grandson na nawala sa Amerika matapos maaksidente ang mga ito. Ang mga Avery na sabik magkaanak ang kumupkop sa papa niya at ginawa ang lahat ng paraan para palabasin itong totoong anak.

Hindi na gaanong nag-usisa si Sugar Ashley sa history ng kanyang pamilya dahil masyado siyang nalulula. Mula rin nang mag-migrate sila sa France, napalibutan na siya ng maraming butler na sa tingin niya habang lumalaki siya ay hindi niya kailangan.

Parang hindi siya makahinga sa ganoong uri ng buhay. Parang nawawala na rin ang kanyang kalayaan. Hindi na niya na-enjoy ang kanyang teenage life dahil hindi niya naranasang makihalubilo sa mga simpleng kabataan na kasing-edad niya. Puro mga kaibigan ng pamilya na nasa mataas na antas ng society ang nakakasama niya at hindi naman siya maka-relate sa mga pinag-uusapan ng mga ito dahil wala naman sa pagiging socialite ang kanyang interes. Kahit pa hinubog siya ng kanyang ninuno sa ganoong uri ng pamumuhay, hindi pa rin niya iyon magawang yakapin nang buong puso.

Sandaling panahon lang nilang nakasama ang great grandparents niya. Pagtuntong niya sa ikadalawampu't apat na taon, masasalin sa kanya ang iniwang negosyo ng mga Lautier. Pansamantala, ang papa muna niya ang namamahala roon. At habang may panahon pa, ginagawa na niya ang kanyang gusto.

Kung inaakala ng marami na napakasaya niya sa luxury na tinatamasa, nagkakamali ang mga ito. Dahil may mga bagay na hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong halaga.

"Hindi mo naman ginalaw ang pagkain mo kaninang tanghalian," puna ni Yaya Nessa. Kahit napakatagal na nilang nakatira sa France, hindi nito pinag-aralan ang lengguwahe roon. Ayon sa kanyang yaya, isa itong Pilipina at mananatiling Tagalog ang wika nito hanggang sa huling hininga.

Iyon din ang dahilan kung bakit madalas mag-Taglish si Sugar Ashley. O talagang hindi niya ginustong kalimutan ang nakamulatang lengguwahe. Para sa kanya, isa siyang Pilipina. Mas lamang ang dugo ng kanyang ina na nananalaytay sa kanya.

"I don't feel like eating, Yaya. Sige na, iwan mo na po ako, please."

Hindi na nagkomento ang matandang dalaga at lumabas. Kuwarenta y sais na ito at hindi na ginustong mag-asawa. Aanhin daw ni Yaya Nessa ang lalaki sa buhay kung masaya naman itong wala ang mga iyon?

Ilang sandali pagkalabas ng kanyang yaya, pumasok naman ang mama niya.

"Sweetheart, do you want to go shopping?" nakangiting tanong nito.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon