Szade-Part5

2.4K 54 13
                                    

"GOOD morning!"

Nakangiting mukha ni Szade ang napagbuksan ni Sugar Ashley sa suite na inookupa nila ni Eyessa. Ang akala pa naman niya, breakfast service iyon.

Nginitian niya ang binata. Matapos ang pag-appreciate nila sa isa't isa kahapon ay agad na ring nawala ang inis niya rito. Hindi naman ito talagang nakakainis. Ito pa rin ang matulunging binatilyong nakilala niya noon. Katunayan ang pagsagip nito sa kanya kahapon sa Cagayan river. Naging nasty lang talaga ang attitude niya noong una nilang paghaharap sa plantation. Dahil gusto niyang pagtakpan ang pagkapahiya. Akalain ba naman niyang matutulala siya sa kaguwapuhan ng binatilyong halos hindi na niya matandaan ang mukha. Maski pangalan nito, hindi na niya naalala. Eighteen years were enough to make her forget. And she was just five years old way back then.

"Ang aga mo naman yata. Nasaan ang mga friends mo?" masayang sabi ni Sugar Ashley.

"Ako ang nandito, pero iba ang hinahanap mo," pa-cute at kunwari ay nagtatampong sabi ni Szade.

Malapad ang ngiting hinampas niya ang binata sa braso. Parang natural na lang na mabanat ang kanyang mukha para ngitian ito. "Ito naman! Ano ba'ng atin?"

"Yayayain sana kitang mag-breakfast."

"Ah, may room service kami." Ayaw niyang sabihin iyon pero kailangan.

"Go ahead, Ashley. Ako ang kakain ng free breakfast natin," pagtataboy ni Eyessa.

Nagdududang lumingon si Sugar Ashley.

"Sige na. Saka susunduin din ako mamaya n'ong guwapong lalaking nakilala ko sa Cagayan. Maiiwan kang mag-isa, sige ka." Kinindatan pa siya ni Eyessa.

Kaya naman pala!

"Let's go then!"

Sa clubhouse sila nag-breakfast ni Szade gamit ang sasakyan nito. Nagbarko ang magkakaibigan para makapagdala ng sasakyan. Masarap daw ang famous steak sa clubhouse kaya doon siya dinala ni Szade. At hindi nga ito nagsisinungaling dahil nagustuhan niya ang pagkain.

Pagkatapos ng almusal, bumalik sila sa adventure park para simulan ang activities—mga adventure activities na hindi mapapagod nang husto ang mga paa ni Sugar Ashley. Pero hindi niya napigilang subukan ang Tower of Power Ropes Course. Ayaw pa nga siyang payagan ni Szade dahil delikado raw ang taas.

"Gustong-gusto mo talagang ipinapahamak ang sarili mo," komento nito.

But she loved adventure. At may tiwala siya sa mga safety gears na ikinakabit sa kanila. Kung hindi safe, wala na sanang sumubok gawin iyon. Pero hindi, nakapila ang mga gustong sumubok. May mga teenager pa ngang nakikipila rin. Katunayan na safe ang activity.

Kaya naman walang nagawa ang mga objection ni Szade. Sa halip, kasa-kasama ni Sugar Ashley ang binata at palaging nakaalalay sa kanya. Now, she knew first impression was not always accurate. Dahil noong una, inakala niyang saksakan ng yabang si Szade, pero hindi naman pala.

He was one gentleman and thoughtful guy. Hindi nakapagtatakang gustong-gusto ito ni Nikkai. At sa kaalamang iyon, biglang bumigat ang kanyang dibdib.

Pero bakit? Ano ba ang pakialam niya kung magkagustuhan ang mga ito? Wala naman, 'di ba?

"Are you still enjoying?" tanong ni Szade. Kasalukuyan na silang nagho-horseback riding.

"I do! I love horses!" maagap na sagot ni Sugar Ashley at saka ngumiti.

"Siguro dapat na kitang ibalik sa suite ninyo. Pinagod yata kita nang sobra."

"I'm not yet exhausted," mariing tanggi niya.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon