Tula #19

179 4 0
                                    

May nag-iba sa nararamdaman ko sayo
Akala ko ikaw na ang pinili ng puso ko
Kaya patawad kasi mukhang siya na
Siya na ang nagpaparamdam sakin ng kakaiba

Noong una ikaw lang talaga
Ikaw lang ang natatanging mahalaga
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana
Hinayaan niyang mahulog ako sa kanya

Akala ko ikaw na ang kasama ko
Subalit pansamantala lang ang ating kwento
Nabulag ako sa nararamdaman ko sayo
Nakalimutan kong merong handang saluhin ako

Unti-unting nagbago ang daloy ng ating kwento
Kwentong ako lang mismo ang bumuo
Kwentong ako lang ang nagmamahal ng husto
Kwentong akala ko may ikaw at ako

Alam niya kung paano ako pasayahin
Alam niyang hindi dapat ako paiyakin
Dahil mula umpisa hindi na ako dapat paasahin
Dahil mula umpisa dapat na akong mahalin

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon