Chapter 1

36 0 0
                                    

WALANG TITLE

Bes may  nalaman ka pa bang ibang trabaho na pagkakitaan?
Kailangan ko Kasi Ng Isa pang trabaho eh,marami gastusin sa bahay..

Hay naku bes,ilang trabaho Ang kailangan mo at naghahanap ka pa? Kulang pa ba ang kita mo at naghahanap ka pa Ng ibang trabaho?

Bes alam mo naman na maraming gastusin sa bahay,tapos may dalawa pa akong kapatid na   pinapaaral tapos ako nag aaral din..

Oo alam ko yan,pero bes bigyan mo naman Ng pahinga  ang sarili mo..tingnan mo nga sarili mo kahit sa pagsuklay Ng buhok mo hindi mo na magawa..

Ngumiti Lang ako sa kanya,totoo naman Kasi Ang sinasabi Ng best friend ko eh.. halos Wala na akong pahinga dahil sa trabaho..apat na Kasi Ang work ko ngayon pero kulang na kulang parin Ang sahod ko para sa pamilya ko..

Ako lang Kasi Ang inaasahan nilang lahat...Wala Naman akong mahawa dahil batok lang at sampal ang mapapala ko kapag magrereklamo ako..

Tulongan mo na Lang kaya ako bes maghanap Ng trabaho kaysa dakdakan mo ako?

Oo na tulongan na kitang patayin  yang sarili mo sa kakatrabaho..
Yung restobar Ng pinsan keep naghahanap sila Ng waitress gusto mo don Kita ipasok  10pm- 2am Ang duty gusto mo ba yun?

Napangiti ako dahil sa sinabi nya.
Talaga bes? Yes thank you talaga best friend the best ka talaga  masayang sabi ko at niyakap ko siya..

Asus ako Lang Naman Ang best friend mo kaya wag mo na akong bulahin diyan..
Pagkatapos Ng klase namin ay pimunta na agad kame sa restobar ng pinsan niya..

Bes thank you talaga ha,Kung hindi dahil sayo wala akong trabaho ngayon,
Oo na bes,kanina ka pa eh.. syempre matitiis ba kita hindi naman di ba.?

Umuwi na agad ako pagkatapos naming pumunta ng resto ng pinsan ng best friend ko..
Nakalimutan Kong magkilala sa inyo..
Ako nga pala  si Marisse De  Guzman at ang kaninang kasama ko ay si Claire Santos..

Bago ako umuwi ay bumili muna ako ng ulam namin sa bahay..
Baka mabugbog na Naman ako mamaya kapag Wala akong dalang ulam..
Bumili na rin ako ng pang almusal Ng mga kapatid ko para bukas..

Tiningnan ko Ang Pera ko sa wallet ko ay 500 pesos na Lang..binigay ko pa to sa Kay mama pang allowance Ng kapatid ko para bukas..

Wala na akong pamasahe pauwi,hindi naman ako lumakad kasi malayo pa ang bahay..
Lumapit ako sa tambayan Ng mga jeep,at lumapit sa Kay mamang driver,
Ngumiti ako sa kanya Ng matamis..
Hi kuya,uhmp Wala kasi akong pamasahe pauwi,pwedi po bang ako na lang tatawag Ng pasahero para libre sakay sa inyo?
Oo naman ining,sigurado akong maraming sasakay sa jeep  ko niyan kapag  ikaw Ang tatawag Ng pasahero..

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat..
Maya maya pa ay agad napuno ang jee p ni manong kaya agad na umalis agad kame..
Lakad takbo ang ginawa ko kasi gabi na at sigurado akong magagalit na si mama  sakin nito..

Pagdating ko Ng bahay ay batok agad Ang sumalubong sakin..
Bakit ngayon ka lang ha?
Wala ka nang ginawa kundi Ang magpagabi Ng uwi..
Nagugutom na ang mya kapatid mo sa kakahihintay ng makakain nila..

Sorry po ma,may dinaanan Lang po ako eh,at tsaka  nawalan na po kasi ako ng pamasahe eh kaya nagtawag pa po ako ng pasahero para makalibre sakay po ako..
Pero wag po kayong mag alala ma may natira pa po akong 500 para sa allowance Ng dalawa  kong kapatid..

Mabuti naman kong ganun,sige na ihanda mo na Ang mesa at kakain na kame,agad kung nilagay Ang bag ko sa maliit naming lamesita at dumiretso sa kusina para ihanda ang hapunan namin..
Naghugas muna ako Ng mga pinagkainan nila dahip tambak na tambak na Naman,sanay na ako sa ganito pagkauwi ko maraming huhugasan kayo ayos na sakin yun..

Kumain na sila habang ako ay inaayos ang mga kalat  sa bahay pagkatapos nilang kumain ay pumasok na ako sa kusina,ganun na lang Ang panlumo ko ng nakitang wala ng kanin at ulam,gutom na gutom na ako dahil hindi ako nakapananghalian kanina dahip tinapos ko ang report ko sa isang subject para Wala na akong alalahanin pa..

Linigpit ko na lang Ang  pinagkainan nila at hinugasan, pagkatapos ay uminom na Lang ako ng maraming tubig para umakyat na para magpahinga..

Pero nagulat ako ng may na nakahain ng kanin at isang paa Ng manok sa Mesa..
Tapos  nakita  ko Ang kapatid kong nakangiti sakin..
Ate hinati ko po Ang ulam at kanin ko para sayo..alam ko kasing Hindi ka pa kumain eh..
Agad ko siyang niyakap,aysus Ang sweet naman Ng bunso namin..pero dapat hindi mo na ginawa yun,sige na kainin mo na yan,busog Lang si ate kumain kasi si ate kanina eh kaya kainin mo yan sabi ko sa kanya..

Eh ate,alam ko pong Hindi kapa kumain kaya ikaw na lang kumain niyan..
Busog nga si ate di ba? Wag namg matigas Ang ulo sige ma kainin mo yan kong ayaw mong magalit si ate sayo..
Agad na bumusangot Ang mukha niya..
Sige na nga kainin ko na to..
Napangiti ako sa dahil sa itsura niya..

Ate,pwedi ba akong tumabi sayo mamaya sa pagtulog?
Hay naku,hindi pwedi don ka matulog  sa tabi ni mama at baka magalit na naman sakin yun, tsaka Hindi  tayo
Kasya  don sa kama ko..

Aysus si ate,ambisyosa Wala ka namang kama eh..sabi niya at nginisihan ako..

Ah ganun? Sabi ko at kiniliti ko siya ng kiniliti Wala na siyang ginawa kundi ang tumili Ng tumili..
Ganun lang kame Ng kapatid ko Ng biglang hinablot ni mama Ang buhok kaya napatigil kame sa kulitan Ng bunso namin..
Ikaw na babae ka puro ka katangahan, tapusin mo na Ang ginagawa mo at ikaw Naman  jezel matulog kana don sa tabi Ng ate Jazmen mo..

Agad namang tumakbo Ang kapatid..pero bago siya umakyat ay tiningnan niya muna ako na parang humihingi ng paumanhin sakin..
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango..

Pagkatapos kung maghugas ay umakyat na ako para matulog pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay  tinapunan  ako ni mama ng labahin..
Ayan labhan mo para magkasilbi ka naman dito..

Isa Isa Kung pinulot  Ang labahin ko..
Bumaba na agad ako para mag umpisa ng labhan ang  lahat Ng labahin..
Mag uumaga na Ng matapos akong maglaba  hindi na ako nakatulog pa dahil nagluto agad ako Ng almusal nila tapos naligo para umalis ng maaga para magtinda Ng pandesal..

Halos Wala na akong lakas magbitbit nang paninda ko dahil sa antok at pagod..pero pinilit ko  parin  hanggang sa maubos na ang pandesal na paninda ko..

Hindi muna ako umuwi Ng bahay nagpahinga muna ako sa tambayan kong kubo sa bayan,wala namang nakatira dito kaya ok lang sigurong matulog ako dito..
Buti na lang at wala akong pasok ngayon,mamayang alas dyes pa ang pasok ko ko sa coffee shop na pinagtatrabuhan ko kaya pwedi pa akong umidlip..at magpahinga..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Pregnant With My Ex BoyfriendWhere stories live. Discover now